Janno Gibbs clarifies 'return' to GMA Network

IMAGE Rose Garcia

Janno Gibbs on his plan after his contract with TV5 expires: "Wala pa, e. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Honestly, since kakagaling ko lang ng 5 na contract, parang maganda na mag-freelance na muna. Ewan ko, ha, for me, para maka-guest-guest muna ako."


Bagamat napapanood ngayon si Janno Gibbs sa primetime series na Meant To Be, nilinaw niyang hindi ito nangangahulugang bumalik na siya sa bakuran ng GMA Network.

Isa pa rin daw siyang Kapatid o talent ng TV5.

Sabi ng singer-comedian, “Hindi, hindi pa naman siya… ano lang ako, pinayagan lang ako ng Channel 5 just for this show.

“Kasi, nakiusap din ako. Noong nabalitaan ko na gine-guest ako sa Meant To Be, medyo pinush ko sa 5.

“Siyempre, na-excite naman ako.”

WILL JANNO RETURN TO GMA-7? Hindi lahat ng artistang umaalis at lumilipat sa ibang network ay madaling nakababalik.

Sa kaso ni Janno, maayos ang naging pag-alis niya sa GMA-7 noong 2015.

Kung sakali, madali siyang makakabalik kung tapos na ang kontrata niya sa TV5.

Saad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi siya usual.

“Pero siguro, malaking bagay na kasi isa ako sa matagal. If not pinakamatagal, isa sa matagal sa GMA.”

Halos 30 years ang itinagal ni Janno sa bakuran ng Kapuso network.

Patuloy niya, “Siguro malaking bagay rin na when I left, kinausap ko muna… nagpaalam ako sa mga bossings.

“Lahat ng bossings, pumunta talaga ako. I sat down with them.

“Sabi ko, ‘Sir, magtatrabaho lang ako sa 5, I hope that's okay.’

“At that time, wala pa naman akong ginagawa sa 7. Nataon naman.

“So, I guess, malaking bagay sa kanila yun.”

Babalik ba siya sa GMA-7 kapag tapos na ang kontrata niya sa TV5?

“Sana, sana welcome pa rin ako,” sambit niya.

Pero ano ang plano ni Janno kapag natapos na ang kontrata niya sa Kapatid network?

Sagot ni Janno, “Wala pa, e. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. 

“Honestly, since kakagaling ko lang ng 5 na contract, parang maganda na mag-freelance na muna.

“Ewan ko, ha, for me, para maka-guest-guest muna ako.”

Testing the waters?

Paglilinaw ni Janno, “Hindi naman testing the waters yun, kasi na-try ko na rin naman na magtrabaho pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano lang, yung mga gusto kong pag-guest na show.  

“Sa recording kasi, nasa GMA Records pa rin ako.

“Right after ng 5, yun ang gusto kong mag-concentrate muna, sa recording.”

NO REGRETS. Dalawang taon ang kontrata ni Janno sa TV5.

Kahit madalang gumawa ng shows ngayon ang Kapatid network, wala raw pinagsisisihan si Janno sa desisyon niyang lumipat dito.

Pahayag niya, "Mabait naman ang TV5. Very accommodating sila.

“Ano lang talaga, dumaraan sila sa trying new stuff, which is, naiintindihan ko naman.

“Nag-iiba sila ng direksiyon, starting last year. More on sports and tagalized TV shows.

“Naiintindihan ko naman. Business yun, e, marketing.”

Nag-uusap naman daw sila palagi ng TV5 sa mga puwedeng maging projects.

Siya raw mismo ay may sariling konseptong binuo para sa isang sitcom.

“Waiting na lang ako na ma-finalize,” sabi ni Janno.

OGIE ALCASID. Natawa naman si Janno nang tanungin namin kung hindi ba niya naramdamang parang iniwan siya sa ere ng kaibigan niyang si Ogie Alcasid.

May impresyon kasing lumipat si Janno sa TV5 para magkasama silang muli ni Ogie, na unang umalis sa bakuran ng GMA-7.

Paglilinaw ni Janno, “Hindi, noong pumasok ako ng TV5, actually hindi alam ni Ogie yun.

“Hindi talaga niya alam. Nagulat din siya actually.

“Kasi, biglaan yun, e. Biglaan yung punta ko talaga.

“Nagulat na lang siya nang i-annouce sa kanya na ‘may show kayo ni Janno.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN