Janno Gibbs reveals asking Diego Loyzaga to delete posts against dad Cesar Montano

IMAGE Rose Garcia / Instagram

While Janno Gibbs understands the feelings of Diego Loyzaga towards his dad Cesar Montano, he also tries to consider the other side. Janno says, "Tina-try ko rin i-balance. Binibigay ko rin sa kanila. Sinasabi ko rin sa kanila ang tingin kong side ni Cesar dahil father din naman ako, di ba? So, binabalanse ko."


Itinuturing ni Janno Gibbs ang sarili bilang “second father” ng Kapamilya young actor na si Diego Loyzaga.

Si Diego ay pamangkin ng misis ni Janno na si Bing Loyzaga.

Ang mga magulang ni Diego ay ang kapatid ni Bing na si Teresa Loyzaga at ang aktor na si Cesar Montano.

Matagal na nakasama ni Janno si Diego dahil tumira ang binata sa bahay nila ni Bing, kasama ang mga anak nilang sina Alyssa at Gabby Gibbs.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janno sa taping ng Kapuso primetime series na Meant To Be, noong March 29, kinuha namin ang reaksiyon niya sa alitan ni Diego at ng ama nitong si Cesar.

Noong Pebrero ay nag-rant sa Instagram si Diego tungkol sa sama niya ng loob kay Cesar; may kinalaman sa ilegal na droga ang hidwaan ng mag-ama.


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs
Cesar Montano hurt over son Diego's outbursts
Cesar Montano hurt over son Diego's outbursts
Diego tweets he is not accepted, loved by his father
Diego tweets he is not accepted, loved by his father

Pahayag ni Janno tungkol dito, “Ako, uncle ako, e... actually, parang second father.

“Kasi, after Cesar, wala naman siyang ibang ano… matagal din na natira sa amin si Diego.

“Siyempre, hindi naman ako… ang related, ang asawa ko.

“As much as possible, gusto ko na tahimik lang ako. Kung kailangan mo ng [advice]…

“Pero nung nakikita ko na nagpu-post siya ng marami, tinext ko siya.

“Sabi ko, ‘Tama na, Diegs, tama na. Hindi maganda ‘yan. Basta mailabas mo lang ang sama ng loob mo, tanggalin mo na.’”

Tinanggal naman kalaunan ni Diego ang kanyang Instagram posts.

Ibig sabihin, sinunod nito ang payo niya?

Sabi ni Janno, “Siguro, siguro... sabi ko, ‘Okey na yun, basta nailabas mo.’”

Pinapayuhan ba niya talaga si Diego bilang parang pangalawang ama na nito?

“Paminsan-minsan. Mas sila ni Bing. Pero paminsan-minsan, hindi ako makatiis.”

Naiintindihan ba niya si Diego sa kung anumang pinagdaanan o pinagdadaanan nito sa relasyon nito sa kanyang tunay na ama?

“Oo, naiintindihan ko siya,” sagot ni Janno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, sila ang magkakamag-anak.

“Tina-try ko rin i-balance. Binibigay ko rin sa kanila.

“Sinasabi ko rin sa kanila ang tingin kong side ni Cesar dahil father din naman ako, di ba?

“So, binabalanse ko.”

Yung suporta niya, na kay Diego?

Sagot ni Janno, “Of course, of course...

“Pero yun nga, hindi ko rin inaalis, as a father also, I'm sure meron din mga dahilan si Cesar.

“Hindi ko rin maiaalis yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN