Dennis Trillo not worried about being romantically linked to Heart Evangelista

IMAGE Noel Orsal

Dennis Trillo isn't worried about being romantically linked to his Mulawin Vs. Ravena co-star Heart Evangelista: "Nagagawa pa rin namin yung illusion na pakiligin yung mga tao sa bawat eksenang ginagawa namin."


Kahit kapareha ni Dennis Trillo si Heart Evangelista sa bagong GMA-7 fantaserye na Mulawin Vs. Ravena, malamang na hindi sila ma-link dahil may asawa na si Heart at si Dennis naman ay maligaya sa piling ni Jennylyn Mercado.

Nagkasama na rin sila sa Juan Happy Love Story at hindi sila natsismis romantically.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa launch niya bilang bagong endorser ng Chicken Deli noong nakaraang Martes, March 28, sa Chicken Deli branch sa SM North EDSA Annex.

Lahad niya, “Sa tingin ko, siyempre yung mga kahenerasyon ko, yung iba kinasal na, may mga sarili nang mga buhay, pamilya.

“Pero siyempre iba pa rin naman yung trabaho.

“Kailangan kahit na may kanya-kanya na kayong mga pribadong buhay, kailangang pagbutihin niyo pa rin yung ginagawa nyo.

“Para at least kahit na makikita ng tao na, ‘Ah, may asawa na 'yan,’ kailangang maging effective pa rin kayo.

“Katulad sa Juan Happy Love Story, alam naman natin na si Heart at si Senator Chiz [Escudero], pero nagagawa pa rin namin yung illusion na pakiligin yung mga tao sa bawat eksenang ginagawa namin.”

NOT YET READY TO SETTLE DOWN. Kailan ba magpapakasal si Dennis?

Pag-amin niya, “Hindi ko pa alam, e.

“Wala pa naman.”

Marami na ang naghihintay na ikasal na sila ni Jennylyn.

Ilang taon na ba ang relasyon nila?

"Medyo matagal-tagal na rin,” estima niya.

Nasa marrying age na naman sila ni Jennylyn, at halos lahat ng kasabayan nila ay may asawa na.

Ani Dennis, “Siyempre ibang usapan pa din yun.

“Pero siguro, eventually, hindi lang siguro ngayon, dahil meron pa rin kaming mga pinagkakaabalahan sa sarili naming careers.”

Abala rin si Jennylyn sa kanyang upcoming GMA series na My Love From The Star.

Pero mukhang sila na talaga ang para sa isa’t isa, na lalo na noong naulila si Jennylyn ay tila naging pamilya na nito ang pamilya ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre nandito kami para sa kanya.

“Siyempre, 'di ba? Dahil siyempre mahal namin siya,” giit niya.

Pumanaw nito lamang nakaraang October 2016 ang adoptive mother ni Jennylyn na si Mommy Lydia sa edad na 74 dahil sa pneumonia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN