Andi Eigenmann on Jake Ejercito: "He's not a bad person."

IMAGE Photo from Tonight With Boy Abunda

Andi Eigenmann on Jake Ejercito:"Both of us have hurt each other in our own ways and it's just that, or I made the decision to just move on."


Walang nakikitang masama si Andi Eigenmann sa pagnanais ni Jake Ejercito, dating boyfriend ni Andi, na magkaroon sila ng panahon ni Ellie, ang 5-taong-gulang na anak ng dating magkasintahan.

"I'm really hoping for the day when we can actually talk about those things pero so far, it's like his older sister would call me and message me whenever they want to borrow Ellie.

"And I'm always going to be okay with that because he's family," pahayag ni Andi sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda gabi ng Biyernes, March 31.

Pinapayagan ni Andi na magkaroon ng oras si Ellie sa kanyang biological father, subalit nilinaw ni Andi na hindi pa rin sila magkaibigan ni Jake.

"We aren't even friends. We are nothings," paliwanag ng aktres.

Gayunpaman, bukas si Andi na tapusin na ang hidwaan nila ng anak ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Sagot naman ni Andi kung ano ang opinyon niya sa pagkakaroon ng quality time ng mag-ama, “I don't want to speak in behalf of him, but for myself masasabi ko na tinanggap ko na, na we have gone our separate ways and we have grown apart."

Papuri pa niya sa dating kasintahan, “And I can say that he's not a bad person.

“I'm never going to speak ill of him because we've all had our mistakes.

“Both of us have hurt each other in our own ways and it's just that, or I made the decision to just move on."

August 2016 nang magkaroon ng mainit na sagutan sa Twitter si Andi At Jake at nagtawagan ng masasakit na salita sa isat-isa.

Pagkalipas ng ilang araw, at saka ibinunyag ni Max Eigenmann, kapatid ni Andi, na si Jake ang ama ng anak ni Andi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN