Marlon Stockinger officially asks Pia Wurtzbach to be his girlfriend on TV

by James Patrick Anarcon
Apr 3, 2017
Since Marlon Stockinger forgot the date of his anniversary with Pia Wurtzbach, he officially asked the former Miss Universe 2015 to be his girlfriend during the taped episode of Gandang Gabi Vice aired last night, April 2.

On national TV, opisyal na humingi ng permiso ang professional race car driver na si Marlon Stockinger kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na maging girlfriend nito.

Sa taped episode ng Gandang Gabi Vice (GGV) na inere kagabi, April 2, tinanong ng host na si Vice Ganda kung kailan naging opisyal ang relasyon nina Pia at Marlon.

Sagot ni Marlon, “Parang we keep fighting about it and we think…”

Sumingit naman si Pia at ibinukong hindi maalala ni Marlon ang kanilang anniversary.

Tinanong ni Vice si Marlon kung bakit hindi niya maalala gayong siya naman ang nagtanong kay Pia.

Subalit pag-amin ni Marlon, “Hindi siya straight tanong, e, when I asked Pia to be my girlfriend.

“Kasi, when I was leaving her, nasa Singapore kami.

"Tapos, pag umalis ako, parang medyo sad si Pia.

"And then when I said to Pia, ‘Hey, don’t be sad, I’m gonna see my girlfriend next time.’ Tapos, 'yan.”

Continue reading below ↓

Kumontra naman si Pia at sinabing mali ang kuwento ni Marlon.

Paliwanag ng beauty queen, “Hindi yun ang sinabi niya.

"Tingnan mo, hindi niya maalala.

“Ganito yung nangyari... aalis na ako ng Singapore, nalulungkot ako, so iyak-iyakan ako.

“Sabi niya, ‘Don’t cry because I don’t want to see my girlfriend cry.’

“Tapos, talagang naisip ko nun, ‘Ay, wala man lang question, ito na yun?’

"Tuluy-tuloy lang ako sa pag-focus ko dun sa pag-iyak ko.

“Hindi niya ako tinanong ng ganun, it just happened.

"Kahit nga yung 'I love you,' ang tagal bago nag-'I love you.'

“Questionable pa rin talaga kung kailan.”

Kaya naman tinanong ni Vice si Marlon kung bakit hindi na lang nito gawin ang pagtanong sa show niya.

Agad namang tinanong ni Marlon si Pia: “I’d like to ask you if you want to be my girlfriend, officially tonight.”

Sumagot naman agad si Pia ng “Yes.”

January 2017 unang umamin si Pia na sila na ni Marlon sa isang interview sa ABS-CBN.

Ang GGV episode na ito ay nauna nang na-tape bago pa naiulat ang balita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong madaling-araw ng Biyernes, March 31, na may anak na kambal si Marlon sa modelong si Kit Barraquias.

Noong March 31 ng gabi, sa grand fountain unveiling ng Okada Manila, ay kapansin-pansin daw ang mababang energy ni Pia, na siyang naging host ng event, ayon sa isang source ng PEP.

STORIES WE ARE TRACKING

PIA FOLLOWED MARLON. Samantala, sa unang bahagi ng GGV, inamin ni Pia na siya ang naunang nag-follow kay Marlon sa Instagram.

Ayon sa kanya, 2014 pa lang daw ay crush na niya ang Filipino-Swiss race car driver.

Kuwento niya, “Crush ko siya noong 2014 pa lang.

"Candidate ako sa Binibining Pilipinas.

"E, di ba, noong year na yun, hindi naman ako nanalo.

“So, sini-search kong ganyan, tapos pinakita ko sa mga friends ko, sabi ko, ‘Huy, ang guwapo nito.’

“E, noong mga panahon na yun, may girlfriend pa siya, sabi ko, ‘Uy, abort mission. Huwag na.’

Continue reading below ↓

“At saka inisip ko noon, candidate pa ako, focus muna ako sa laban.

"Pero parang napansin ko na siya noon.”

Pag-amin naman ni Marlon, hindi pa niya kilala noon si Pia.

Aniya, “Hindi pa. Kahit nanalo ni Pia yung Miss Universe crown, I didn’t know her.

“And then, when nakita ko yung notifications ko sa Instagram, pangalan, Pia Wurtzbach, tapos na-check ko lang, tapos yun, I messaged her.

"Ever since that day, we started talking.

“Alam ko na kasi I already knew that Philippines won, pero I didn’t know it was Pia.

“And then, when I saw the notifications, noong lumabas sa news na Miss Universe, Philippines, alam ko na si Pia na 'yan.

“That’s when I messaged her kasi not every day Miss Universe will follow you.

"Tapos, may verified na check siya, di ba?

"So, check na din sa Instagram message.”

Pinakita naman sa screen ang naging unang usapan nina Pia at Marlon sa Instagram Direct Message.

Continue reading below ↓

Sabi ni Marlon, “It’s nice to get a follow back from the most beautiful person in the Universe. Looking forward to meeting you one day and keep representing the Philippines Pia :)”

Ang reply naman ni Pia, “Thank you, Marlon :) is that how people call you? Marlon or do you have a nickname?”

Sagot ni Marlon, “Unfortunately I don’t get called Mr. Universe so it’s just Marlon haha”


Continue reading below ↓

Sabi naman ni Pia, tinagalan niya rin ang pag-reply kay Marlon.

“Nang nabasa ko na, sabi ko, ‘A, sige, mga one hour muna bago ko magre-reply.’ Siyempre, pag-iisipan ko muna.”

Ganun din naman daw ang ginawa ni Marlon subalit nagpatuloy na rin ang kanilang pag-uusap.

Pahayag niya, “I took my time naman din, di ba?

"Slowly but surely lang.

“Mga one hour din, and then when we got to know each other na, siyempre, it just kept rolling na, so also I got kilig din.”

Natawa naman si Pia nang marinig na sinabi ni Marlon na kinilig din siya sa naging pag-uusap nila.

Sabi ng actress-turned-beauty queen, “Salamat umamin din.

"Kasi parang ako yung ano dito, e!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Since Marlon Stockinger forgot the date of his anniversary with Pia Wurtzbach, he officially asked the former Miss Universe 2015 to be his girlfriend during the taped episode of Gandang Gabi Vice aired last night, April 2.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results