Robin Padilla on daughter Kylie and Aljur Abrenica: "Kung sila'y magpapakasal, pag-usapan natin."

IMAGE Nerisa Almo

Robin Padilla has one condition if he's going to talk about Kylie's boyfriend, Aljur Abrenica: "Kung sila'y magpapakasal, pag-usapan natin. Pero kung tayo'y magbobolahan, para saan? Para saan natin pakialaman ang buhay nila? Buhay na nila 'yon."


“Hindi ako masyadong excited.”

Ito ang sinabi ni Robin Padilla tungkol sa pagbubuntis ng kanyang anak na si Kylie Padilla.

Ayon kay Robin, mae-excite raw siya marahil kung nakapanganak na ang ikalawa niyang anak na babae sa dating asawang si Liezl Sicangco.

“Siyempre, gusto ko makapanganak muna siya nang mahusay.

“Kapag nakapanganak na, doon na siguro ako magiging excited.

"Sa ngayon, punung-puno pa ako ng pag-aalala,” sabi ni Robin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang entertainment reporters matapos ang turnover ceremony para sa mga ido-donate na libro ng MoneyGram Foundation sa University of the Philippines Integrated School kahapon, April 2, sa Pasig City.

Kuwento ni Robin, unang lapit pa lang daw sa kanya ni Kylie para aminin ang pagdadalang-tao niya ay alam na niya ito.

Sabi ng 47-year-old actor, “Sa tanda kong 'to, hindi mo na ako mapapaikot.

“Hindi mo na ako mapapadulas sa balat ng mani. Saging naman!”

Ganunpaman, inamin ni Robin na hindi siya handa para rito.

“Sa akin, sa opinyon ko mismo, hindi ako handa bagamat siya'y may edad na.

“Malamang siya ay handa. Pero ako, hindi ako handa.

“Ang alam ko kasi si Queenie ang buntis!

“Parang dalawa ang nagkasabay, e. Medyo okay naman.

“Gusto ko lang, one at a time maka-deliver sila.

“Sana katulad ng Tita Mariel nila, normal.

"Sana mag-breastfeeding din sila, sana organic lahat.”

Kasalukuyang nasa ika-limang buwan ng pagbubuntis ang magkapatid na Kylie at Queenie.

Si Queenie ay nasa Pakistan kasama ang kanyang asawang si Usama Mir.

Samantala, ang asawa ni Robin na si Mariel Padilla ay nanganak noong November 14, 2016 sa Amerika.

Ang kanilang anak ay pinangalanang Maria Isabella.

NOT GOING BACK TO SHOWBIZ. Ngayong magkakaanak na rin si Kylie, may binibigay bang advice si Robin sa kanya?

“Matanda na si Kylie,” sagot ni Robin tungkol sa kanyang 24-year-old na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa usapin ng pag-ibig, hindi pinakikinggan ang advice ng tatay kasi selfish ang tatay, e.

“Walang pasado. Lahat ng mukhang nandoon, bagsak 'yon.

“Pero advice sa career niya, ayun, lagi akong nasa tabi niya.

“Never akong na-involve sa pag-ibig.

"Hindi trabaho ng tatay 'yon. Ang trabaho ng tatay ay mamalo.”

Kung sa usapin ng showbiz career, ayaw daw ni Robin na bumalik agad sa showbiz si Kylie.

“Sabi ko sa kanya, diyan na ang buhay mo sa anak mo,” sabi ni Robin.

“Siyempre, parang si Tita Mariel.

“Buhay 'yan, bata 'yan, kailangan 'yan na... iikot na diyan ang buhay mo.

“Hindi ka nag-anak para mayroon kang susunud-sunod lang sa'yo.”

ON HIS DAUGHTERS' PARTNERS. Samantala, natanong din si Robin tungkol sa umano'y balak ni Kylie na magkaroon ng pagkakataong magkausap ang ama niya at ang magiging tatay ng anak niya na si Aljur Abrenica.

Paiwas namang sumagot si Robin, “Ano ba ang kinalaman nun sa MoneyGram?”

Sa pagpapatuloy niya sa pagsagot, kapansin-pansin na tila ayaw niyang pag-usapan ang anumang patungkol kay Aljur.

Sabi ni Robin, “Sa aking palagay ay hindi tugma ang topic natin sa ating mga kabataan.

“Ang pinag-uusapan natin ay ang future...

"Unang-una, ang magandang halimbawa sa kabataan.

“Magandang pag-usapan ang patungkol kay Kylie at kay Aljur kung 'yan ay pag-aasawa.

“Kung sila'y magpapakasal, pag-usapan natin.

“Pero kung tayo'y magbobolahan, para saan?

"Para saan natin pakialaman ang buhay nila? Buhay na nila 'yon.”

Naiba naman ang mood ni Robin nang mabanggit ang pinag-usapang pamamanhikan sa kanya ng asawa ni Queenie noong nakaraang buwan.

Nakangiting sabi ni Robin, “Si Queenie, puwede nating pag-usapan kasi kasal 'yon.

“Si Queenie, napakagandang pag-usapan. Si Queenie ang dapat pag-usapan.”


Stories We Are Tracking

Robin gives blessing to daughter Queenie and her husband
Robin gives blessing to daughter Queenie and her husband

Pagkatapos ay binanggit niya, “Walang pinakamasarap sa isang ama kung di may magiting na lalaki na kakatok sa pintuan mo at sasabihing, 'Ang kamay ng iyong dalaga ay akin. Handa akong maging responsible at ibigay sa kanya ang buhay na ibinigay ninyo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang matindi dun, e, yung kayang pantayan yung ibinigay kong buhay.

“Kaya ako na ang pinakamasayang tao. Lalung-lalo na si Queenie ay five months na rin.”

Isa lang daw ang naging pakiusap niya sa kanyang panganay na anak, ang manganak siya dito sa Pilipinas.

Kuwento ni Robin, “Isa lang din ang request ko sa kanya. 'Sana dito ka manganak, huwag dun sa Pakistan.

“'Gusto ko rin naman Filipino citizen.

"Pero kung gusto mo rin naman na Pakistani citizen, wala rin namang problema.

“'Kaya lang, paaano ako makakabantay. Kasi, gusto mo nandun din ako.

“'Hindi na nga ako pinapapasok sa Amerika, e, papupuntahin mo pa ako sa Pakistan.

“'Baka lalo na namang problema na naman yan. Baka pati sa Pilipinas, hindi na ako makapasok.'”

Sa huli, sabi ni Robin nang may halong biro, “Yung akin, realidad yun, para walang trouble kahit kanino. Kasi, kawawa rin naman ako.

“Hindi ko alam kung bakit di ako pinapapasok dun. Bawal 'ata ang pogi dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN