Nadine Lustre's bag, camera stolen in the U.S. on April Fools' Day

IMAGE Noel Orsal

Nadine Lustre tweets about being robbed in the U.S. on April Fool's Day. The robber broke the window of her car to steal her bag and camera.


Nanakawan ng ilang gamit ang Kapamilya star na si Nadine Lustre sa Amerika nitong Sabado, April 1.

Kasalukuyang nasa Amerika si Nadine, kasama ang ka-love team at boyfriend na si James Reid, para sa series of concerts nila doon.

Ayon sa tweet ng aktres, binasag ng magnanakaw ang salamin ng kanyang kotse at nakuha nito ang kanyang bag at camera.

Babala ni Nadine: “Guys, never leave valuables in your car. It’s so easy to break windows now with a ninja rock. Lost my bag and a cam last night.”

Sa sumunod niyang tweet, nakiusap si Nadine sa magnanakaw na ibalik ang mga kinuha nitong gamit.

Handa rin daw siyang kalimutan ang nangyari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN