Janella Salvador clears Elmo Magalona in mom Jenine Desiderio's cryptic tweets

IMAGE Instagram account of Elmo Magalona / James Patrick Anarcon (Janella)

Janella Salvador clears Elmo Magalona's name in her mom Jenine Desiderio's controversial tweets last February 5. In Jenine's tweet, she referred to a guy who "pretends to be decent but sneaks behind my back."


Itinanggi nu Janella Salvador na ang kanyang ka-love team na si Elmo Magalona ang pinaringgan ng ina niyang si Jenine Desiderio sa tweets nito kamakailan.

Noong February 5, nagpahayag si Jenine ng pagkadismaya sa kanyang Twitter account tungkol sa isang lalaking hindi maganda ang trato sa kanyang anak.

Ayon naman kay Janella, matagal na nila itong napag-usapan ng kanyang ina.

Sabi ng Kapamilya star, "There was some misunderstanding lang.

"Pero kung sino man yung sinasabi niyang yun, napag-usapan na namin.

"Tapos, okay na. Naayos na."

Nang matanong kung si Elmo ba ito, ang naging sagot ng ABS-CBN actress: "Hindi naman.

"Actually, ayoko nang masyadong pag-usapan yung issue na yun, kasi ayoko nang mabuhay siya ulit.

"Pero yun na, naayos naman siya."


Stories We Are Tracking

Is Jenine referring to Elmo in her loaded tweets?
Is Jenine referring to Elmo in her loaded tweets?
Jenine tweets warning to mystery guy linked to Janella
Jenine tweets warning to mystery guy linked to Janella
Elmo Magalona bonds with Janella Salvador's mom
Elmo Magalona bonds with Janella Salvador's mom

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella sa pocket presscon para sa upcoming movie niyang My Fairy Tail Love Story, ngayong Lunes, April 3.

Sa nasabing pelikula ay muli niyang makakatambal si Elmo, na unang nakapareha ni Janella sa teleseryeng Born For You (2016).

Sila rin ang magkatambal sa upcoming movie na Bloody Crayons at teleseryeng Kung Kailangan Mo Ako.

ELMO'S BIRTHDAY SURPRISE. Samantala, masayang ibinahagi ni Janella ang ginawang sorpresa ni Elmo nang magdiwang siya ng kanyang 19th birthday noong March 30.

Kuwento ng young actress, galing pa siya ng shooting sa Zambales bago nangyari ang surprise.

Saad niya, "Hindi ko in-expect kasi nanggaling kaming shoot ng Zambales, [March] 29.

"Tapos, hindi kami magkasama supposedly.

"Yun pala, nauna siya sa house ko noong pauwi na kami sa shoot.

"Tapos naghanda siya ng surprise, ng salubong, may cake, may balloons, inayusan nila yung house ko."

Tumulong pa raw si Jenine at ang ina ni Elmo na si Pia Magalona para ayusin ito.

Pagpapatuloy ni Janella, "Tapos, pag-uwi ko, ayun, sinurprise nila ako.

"Yung mommy ko, at saka si Tita Pia, she helped din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Janella, close siya kay Pia at close din si Elmo sa kanyang ina.

"Yeah, we're close. Actually, Elmo's close din naman to my mom."

Ano ang regalong ibinigay ni Elmo sa kanya?

Sagot ng Kung Kailangan Mo Ako actress, "Meron akong slippers na gusto, tapos parang naglabas siya ng special edition, Sesame Street.

"So, galing sa kanya, Elmo gave me himself, Elmo siya na slippers."

Si Elmo ay isang character sa long-running children's show sa Amerika.

Na-touch din daw si Janella sa birthday message ni Elmo na ipinost nito sa kanyang Instagram account.

Sabi ni Elmo sa caption: "This beautiful soul turns a year older today. You've accomplished so much in a year and can still make time to enjoy your life. You always think of others first, and make sure that you put a smile on people's faces including myself.

"You can do all of that because you are super I wish you happiness, strength to always be on top, and a belly so bottomless for all your cravings You deserve it!!! Happy birthday, Kitty"

Dahil sa sweet gestures na ginawa ni Elmo sa birthday ni Janella, hindi maiwasang matanong kung ano na ba ang status nila.

Biro ng young singer-actress, "Status… What's the status! Hmm… Wala, showbiz… we're close!"

Subalit paglilinaw niya, "Hindi, close lang talaga kami.

"Hindi pa kasi ako puwedeng magka-boyfriend. Totoo naman."

Pero nanliligaw na ba sa kanya si Elmo?

Tugon ni Janella, "Hindi pa. Hindi naman, hindi siya nanliligaw. Wala pa kami sa part na 'yan.

"Pero we're very ano, kumbaga, we have a deep friendship. Showbiz din yung sagot!

"Hindi, totoo nga, friends lang talaga kami."

Subalit ayon na rin kay Janella, mukhang okay na rin sa kanyang ina na magkaroon siya ng boyfriend.

"Feeling ko naman, my mom is open na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Janella on Elmo-Janine split: I have nothing to do with it.
Janella on Elmo-Janine split: I have nothing to do with it.
Is Janella open for a possible romance with Elmo?
Is Janella open for a possible romance with Elmo?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN