Marian Rivera and Maine Mendoza spotted chatting happily at Sunday PinaSaya backstage

IMAGE Instagram / Tati (inset)

Maine Mendoza and Marian Rivera seemed to be ignoring the noise around them as they chat at the backstage of Sunday Pinasaya last Sunday, April 2. 


Viral ngayon sa Internet ang video kung saan makikitang masayang nagkukuwentuhan ang dalawa sa pinakamalaking female stars ngayon ng Kapuso network—sina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Ang maiksing video ay kuha sa backstage ng Sunday PinaSaya nitong Linggo, April 2.

Sa video na in-upload ng DongYanatics at kuha ni Tati, makikita sina Marian at Maine na masayang nag-uusap, habang hinihintay ang kanilang cue on stage.

Mapapansin na sinisikap ng dalawang aktres na makapag-usap sa gitna ng ingay sa kanilang paligid.

Umakbay pa si Marian kay Maine at sabay silang tumawa.

Makikita ring bumubulong si Marian kay Maine, at inilapit pa ng Kapuso Primetime Queen ang mukha niya sa Phenomenal Star upang marinig siya nito.

Habang nakaupo ang dalawa, makikita rin si Alden Richards na katabi si Maine.


Guest sa Sunday PinaSaya noong araw na iyon si Maine, habang regular hosts naman dito sina Marian at Alden.

Pareho rin ng management sina Marian at Maine, ang Triple A Management.

Unang nagkita sina Marian at Maine nang dumalo sila sa Thanksgiving party ng GMA Network para sa kanilang advertisers noong February 10, 2016.

Read: Marian Rivera and Maine Mendoza meet for the first time

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN