Cesar Montano asserts responsibility as father to Diego Loyzaga

IMAGE Cesar Montano Instagram

Cesar Montano on son Diego Loyzaga's rant against him: "Wala akong pakialam kung anong sasabihin niya. Basta ako, I'll do everything para maayos siya at buhay siya."


Sa kabila ng mga masasakit na salitang binitawan ng kanyang anak na si Diego Loyzaga, patuloy raw na gagawin ni Cesar Montano ang tungkulin niya bilang isang ama.

Noong Pebrero ay naglabas si Diego ng kanyang sama ng loob laban sa ama, sa pamamagitan ng pagra-rant sa Instagram.

May kinalaman ito sa pagpilit umano ni Cesar kay Diego na sumailalim sa drug test.

Si Diego ay anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga.


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs
Cesar Montano hurt over son Diego's outbursts
Cesar Montano hurt over son Diego's outbursts
Diego tweets he is not accepted, loved by his father
Diego tweets he is not accepted, loved by his father

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa kanyang tanggapan sa Legaspi Towers, sa may Vito Cruz, Manila, kahapon, April 3, tinanong namin kung nagkaayos na ba sila ni Diego?

Tugon ng COO ng Tourism Promotions Board, “Si Diego, matagal na akong at peace sa kanya.

“Siya lang ang hinihintay ko, na maging maayos. 

“Basta ako, happy ako na siya ay safe. ‘Yan ang gagawin ko.

“Wala akong pakialam kung anong sasabihin niya.

“Basta ako, I’ll do everything para maayos siya at buhay siya.”

Nasaktan ba siya sa ginawa sa kanya ni Diego?

Tugon ni Cesar, “Hindi! I’m worried, I’m worried about it, about his life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN