Shaina Magdayao on Piolo-Iñigo viral kissing video: "It's just so sad na may mga taong malisyoso talaga."

IMAGE Noel Orsal

Shaina Magdayaon viral kissing video Piolo Pascual and son Iñigo: "Isn't that supposed to be a good example na habang nandiyan pa ang daddy mo, nandiyan pa ang anak mo, ipakita mo na, i-express mo na kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa?"


Ipinagtanggol ni Shaina Magdayao si Piolo Pascual kaugnay ng viral ng aktor at ng anak nitong si Iñigo Pascual, kung saan naghalikan sa labi ang mag-ama.

Aniya, “Ay, naku, kung makita nyo lang kung gaano ang mag-amang yun, kung gaano nila kamahal ang isa’t isa and even the whole Pascual family.

“Di ba, lagi nating sinasabi na usually we show our affection, we tell someone how much we love them, like our family member, kung gaano natin sila kamahal or tini-treasure natin sila kung kailan wala na.

“Isn’t that supposed to be a good example na habang nandiyan pa ang daddy mo, nandiyan pa ang anak mo, ipakita mo na, i-express mo na kung gaano ninyo kamahal ang isa’t isa?"

Patuloy ni Shaina, “It’s just so sad na may mga taong malisyoso talaga.

“But wala na tayong magagawa dun, hayaan na natin.

“It’s not our problem.”


Stories We Are Tracking

Piolo on son Iñigo being affectionate:
Piolo on son Iñigo being affectionate: "It's a blessing."
Piolo, Iñigo hit back at bashers of viral kissing video
Piolo, Iñigo hit back at bashers of viral kissing video
Iñigo shrugs off malicious comments on viral kissing video
Iñigo shrugs off malicious comments on viral kissing video

Speaking of family, sa interview ng ina ni Piolo na si Amy Pascual sa Bandila, nabanggit nitong boto siya kay Shaina para sa anak.

Natatawang reaksiyon dito ni Shaina, “Boto din ako sa kanya, iboboto ko rin siya, magbobotohan kaming lahat, kailan ang eleksyon?!”

Pero seryoso niyang dagdag, “Mabait sa akin ang buong family, of course, I’m really very thankful.

“Yeah, kung ano, magli-limang taon na rin silang mabait sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN