LJ Moreno says visiting cousin Mark Anthony Fernandez in jail is heartbreaking

IMAGE LJ Moreno-Alapag Instagram

LJ Moreno on visiting her cousin Mark Anthony Fernandez in jail: "Nakakaawa. Pero you cannot do anything naman. Parang feeling mo, hindi ka makahinga. Parang helpless, parang ano ba ang puwede niyang gawin."


Matagal-tagal na raw nang huling madalaw ni LJ Moreno sa kulungan ang pinsan niyang si Mark Anthony Fernandez.

Ang ama ni LJ at ang ina ni Mark na si Alma Moreno ay magkapatid.

Nakapiit si Mark sa Pampanga Provincial Jail matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana sa loob ng kanyang sasakyan noong October 2016.

Kuwento ni LJ, “Noong una, di ba, presinto lang?

“Pumunta kami din, si Winwyn [Marquez] kasama ko. Noong nilipat na siya, pumunta kami.

“Siyempre, nakaka-break ng heart.  

“Noong nagpunta kami, sabi niya, ‘Help me get out.’ Nakaka-break ng heart.

“Sabi ko kay Jimmy, ‘I wanna visit him again.’”

Si Jimmy Alapag, dating PBA player, ang mister ni LJ.

Noong nakalipas na Pasko pa raw ang huli niyang bisita kay Mark.

“So, kailangan ko nang mag-visit. Pero yun nga, ang hirap.

“Nakakaawa. Pero you cannot do anything naman.

“Parang feeling mo, hindi ka makahinga.

“Parang helpless, parang ano ba ang puwede niyang gawin.”

Patuloy niya, “Ang maganda kasi kay Kuya, kahit saan mo siya ilagay, makaka-adjust naman.

“Love din naman siya ng mga tao dun.”

PRAYING FOR HIS RELEASE. Ipinagdadasal daw ni LJ na makalaya rin ang kanyang pinsan.

“Kasi, yun nga, like I've said, I'm not saying na marijuana is okay, but it sucks na kung kailan clean naman na talaga siya, dun talaga nag-positive sa kanya.

“At saka, parang ang hirap, e.  

“Alam ko nga before that, parang gusto niyang bumalik na lang kila Tita Ness [Alma].

“All about family na lang ang iniisip niya.”

Ayon kay LJ, kumuha ang Tita Alma niya ng matutuluyan sa Pampanga para mas malapit at madali nitong mapuntahan ang anak.

Nabanggit din ni LJ ang kaibahan ng parusa rito sa Pilipinas at sa Amerika kapag nahulihan ng marijuana.

Nagtataka nga raw ang mister niyang si Jimmy, na lumaki sa Amerika, sa nangyari kay Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“With Jimmy kasi, di ba, iba sa States? Iba ang process ng marijuana, iba rito.

“Nasa-shock siya na ganun kabigat yung kay kuya.

“Kasi si Kuya, negative talaga siya sa ibang tests.

“Totoo namang negative siya sa other drugs, marijuana lang talaga. Kaya hindi ko ma-explain kay Jimmy.

“Wala, e, ganun talaga dito.”

Dagdag ni LJ, “Wala, talagang super prayers lang kaming dalawa.  

“Yun din ang sinasabi ni Tita Ness.

“Sabi niya, ‘Ipag-pray mo ang kuya mo, ha, ipag-pray mo rin ako.’

“Naaawa rin ako kay Tita Ness.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ relaunching ng Colours Channel ng Cignal TV, sa Cities Events Place, noong nakaraang linggo.

Sila ni Danica Sotto-Pingris ang hosts ng bagong show na Mom Biz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN