Is Kathryn Bernardo ready for breakup of KathNiel love team?

IMAGE Noel Orsal

Kathryn Bernardo on possible breakup of her love team with Daniel Padilla: "Kasi, ilang years na rin naming pinaghirapan ang love team namin. Ang dami na naming pinagdaanan, pati yung fans at supporters namin. Yung changes, kung sakali man, sana nga temporary lang talaga."


Aware sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na posibleng paghiwalayin muna sila sa mga susunod na proyekto nila sa ABS-CBN at Star Cinema.

Nakarating na raw sa kanila ang balitang ito, pero wala pa namang opisyal na pahayag ang pamunuan ng Kapamilya network hinggil dito.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathryn sa grand media launch ng bagong pelikula nila ni Daniel na Can't Help Falling In Love, noong March 30, isa ito sa mga usaping nilinaw sa kanya.

Ano ang pakiramdam niya sa nasabing plano, kung sakaling ituloy ito?

Pahayag ni Kathryn, “Wala pa namang sinabi ngayon, pero, yeah, aware naman kami na darating sa time na yun.

“If ever, wala, wala namang magagawa.

“Hindi naman puwedeng kaming dalawa lang talaga, pero ayaw ko munang isipin.”

Paano nila pinag-uusapan ni Daniel ang mga ganitong posibilidad?

Ayon sa 21-year-old actress, “Hindi, hindi namin pinag-uusapan.

“Kasi, kahit sa interviews kapag napag-uusapan ang ganitong topic, ano... ewan ko, bahala na.

“Hindi muna namin [dini-discuss] hangga't wala pa.”

Kung sakali mang mangyari ito, sa tingin ni Kathryn ay mahihirapan siya sa pag-a-adjust, lalo na't maraming taon na halos silang dalawa lang ni Daniel ang magkasama sa mga proyektong ginawa nila.

Ayon pa sa young idol, “Siyempre, mahirap 'yan kung ang kasama mo ay almost every day sa trabaho.

“Na alam na kung paano ako sa scenes, yung mga ganyan, yung sinusuportahan ako.

“Siyempre, mahirap yun pag biglang mawawala.

“Pero yun nga, kailangan ang growth, kailangang mag-grow din.

“So, wala, ganun talaga, e.”

POSSIBLE LEADING MEN. Sino kaya ang choice niya bilang kauna-unahang leading man, if ever hindi na si Daniel ang makaka-partner niya?

Pahayag ni Kathryn, “Hindi ko alam.

"Pero kung sakaling meron man in the future, ang masasabi ko lang, katulad ni DJ, ay marami akong matututunan.

“Depende kung sino, pero sa ngayon, hindi ko alam, hindi ko pa rin alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap kasi, ang daming...

“Marami namang puwede, pero di ko pa iniisip.”

Maging si Daniel, wala pa ring masabi kung sino ang gusto niyang maging leading lady.

Although, nababanggit nga ang pangalan ni Sarah Geronimo.

Pakli ni Kathryn, “Hindi ko rin alam.

“Ayaw kong mag-comment kasi wala pa naman talaga.

“Siguro ang management na ng ABS [CBN] ang bahala diyan.

“Magaling naman sila sa aspect na 'yan so, I think, depende talaga sa kanila.

“Alam ko naman na pareho nila kaming aalagaan o ipu-protect in case na magkaroon nga muna ng changes.”

Pero siyempre, sa huli, gusto ni Kathryn na maibalik ang love team na KathNiel.

Saad niya, “Siyempre naman po.

“Kasi, ilang years na rin naming pinaghirapan ang love team namin.

“Ang dami na naming pinagdaanan, pati yung fans at supporters namin.

“Yung changes, kung sakali man, sana nga temporary lang talaga.

“Pero wala pa nga po talaga kaming alam.”

Ang Can't Help Falling In Love ay ipalalabas simula sa April 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN