Claudine Barretto rants about 'fake people'

IMAGE Noel Orsal

Claudine Barretto posts cryptic messages on Instagram and talks about 'fake and plastic people' victimizing kind people. 


May bagong hugot si Claudine Barretto sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, April 6.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang hinaing tungkol sa mga taong “peke sa mundo” at mga nang-aabuso raw sa kabaitan ng iba.

Hindi tinukoy ni Claudine kung sino ang pinatatamaan niya sa kanyang post.

Pero aniya, hindi siya magpapagamit sa mga taong huwad “& Pretend like we r okay when we are not.”

Narito ang buong mensahe ni Claudine sa kanyang Instagram:

“Its so Sad & Painful when your faced with the Ugly Truth that no matter how sincere you are ang dami PEKE SA MUNDO!!they will use you & abuse your kindness & pretend to other people that u guys are okay when your really not.today i refuse to Help, Act & Pretend like we r okay when we are not.im not going to [be] Used again.i will support only those who r true & may respeto at di Bastos sa totoong buhay.enjoy your Vacay.”

Sa comments section, may ilang tagasuporta si Claudine ang nag-usisa kung ano ang nangyari at kung sino ang pinatatamaan niya.

Sa sagot ng aktres, hindi pa rin niya tinukoy kung para kanino ang kanyang post, pero sinabi niyang napuno na siya.

Ayaw rin daw niya sa plastic at sa taong walang isang salita.



 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN