PEP EXCLUSIVE. Andi Eigenmann denies claim that she will not allow Ellie to attend Erap's birthday

by Arniel C. Serato
Apr 8, 2017
Pinabulaanan ni Andi Eigenmann na pinipigilan niya ang anak na si Ellie na dumalo sa birthday celebration ng lolo nitong si Manila Mayor Erap Estrada. Nagtataka raw siya kung bakit ito ginagawa sa kanya ni Jake Ejercito at ng pamilya nito.

Itinanggi ni Andi Eigenmann na hindi niya papupuntahin ang anak na si Ellie sa birthday celebration ng paternal grandfather nitong si dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada.

Si Erap ang ama ni Jake Ejercito, dating boyfriend at ama ng anak ni Andi.

Noong Huwebes, April 6, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe mula sa abugado ni Jake Ejercito na si Atty. Ferdinand Topacio.

Nakasaad dito na hindi raw pinayagan ni Andi si Ellie na mag-participate sa nalalapit na kaarawan ni Erap sa April 19.

Ayon kay Atty. Topacio, “I just got word that Andi won’t let Ellie participate in the program of Mayor Erap’s 80th birthday on April 19 because of the case."

Dagdag pa nito, "I feel so bad for my friend Erap. It’s a once-in-a-lifetime milestone for him."

Ang tinutukoy na "case" ni Atty. Topacio ay ang inihaing petition for joint custody ni Jake para sa kanilang anak ni Andi.

Continue reading below ↓

Kaugnay nito, kinontak agad ng PEP si Andi, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagramm, noon ding Huwebes, upang kumpirmahin at kunin ang kanyang pahayag sa impormasyong natanggap ng kampo ni Jake.

Pero hindi kaagad kami sinagot ni Andi.

Ngayong Biyernes ng gabi, April 7, nagpadala na ng mensahe sa manunulat na ito si Andi.

Giit ng Kapamilya actress, "Hindi po talaga ito totoo. Walang katotohanan."

Sa katunayan, ayon kay Andi, "Katatapos lang ni Ellie ng kanyang song recording para sa birthday last Wednesday at may video pa pong ipinadala sa kuya ko."

Himutok pa niya, "Hindi ko po alam kung bakit ginawa ng pamilya nila ito sa akin."

Tinanong namin kung may idadagdag pa siya sa kanyang mensahe.

Tanging sagot ni Andi: “Wala silang puso.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinabulaanan ni Andi Eigenmann na pinipigilan niya ang anak na si Ellie na dumalo sa birthday celebration ng lolo nitong si Manila Mayor Erap Estrada. Nagtataka raw siya kung bakit ito ginagawa sa kanya ni Jake Ejercito at ng pamilya nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results