New Kapamilya Bianca King open to working with ex-boyfriend Patrick Garcia

by Melba R. Llanera
Apr 11, 2017
Bianca King on working with ABS-CBN: "Para akong nag-umpisa ulit, fresh start. Siyempre, the excitement is there, but more than that, I'm just overwhelmed also with the way everybody works here. Siyempre, I experienced everything and sobrang mabusisi talaga nila sa show."

Ngayong pareho na silang nasa bakuran ng ABS-CBN, payag daw makatrabaho ni Bianca King ang dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia.

Pahayag ng aktres, “Absolutely, anyone, I’m very open to work with anyone—any stories, any character, any director… lahat.

“Basta ako, yun nga, as a working actor and at my age na rin now, I’m not young anymore, I’d like to keep myself open to all of opportunities.”

Sino sa Kapamilya stars ang gusto niya talagang makatrabaho?

Sagot ni Bianca, “Oh, wow! Gosh! Everybody, everybody…

“Kasi, bilang artista before from the other network, pangarap ko din naman to do shows here and to really get to work with everyone.

“Kahit sino actually, e.”

Galing sa GMA Network at TV5 si Bianca bago siya napunta sa ABS-CBN.

Bahagi siya ngayon ng cast ng upcoming afternoon drama series na Pusong Ligaw.

Excited daw siyang makatrabaho ang Kapamilya stars at maging ang mga nasa produksiyon.

Continue reading below ↓

Saad ni Bianca, “Yeah, I’m so happy working with the production people, the director, the writers… lahat.

“Para akong nag-umpisa ulit, fresh start.

“Siyempre, the excitement is there, but more than that, I’m just overwhelmed also with the way everybody works here.

“Siyempre, I experienced everything and sobrang mabusisi talaga nila sa show.

“Ang laki ng preparations na ginagawa nila to make the show amazing.”

MOTHER ROLE. Sa Pusong Ligaw, gagampanan ni Bianca, 32, ang papel bilang ina ni Sofia Andres, 18.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role dahil nanay na ang papel niya sa teleserye?

Sagot niya, “Mother role? Absolutely okay with me.

“I’m an actress and I consider myself a working actress as well.

“I’m very grateful for the opportunity to play variety of roles.”

DATING THE SAME PERSON. Tungkol naman sa kanyang love life, inamin ni Bianca na nakikipag-date siya ngayon sa isang non-showbiz guy.

Continue reading below ↓

Aniya, “I’m still dating the same person, non-showbiz.

“Ako, trabaho yun ng tao, so kahit anong work naman, it doesn’t really matter kung artista o hindi.

“What matters is the soul of the person, not even the looks.

“Basta maganda ang kalooban, pasok sa akin.”

Read Next
Read More Stories About
Bianca King, Pusong Ligaw
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca King on working with ABS-CBN: "Para akong nag-umpisa ulit, fresh start. Siyempre, the excitement is there, but more than that, I'm just overwhelmed also with the way everybody works here. Siyempre, I experienced everything and sobrang mabusisi talaga nila sa show."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results