Gabbi Garcia "feels great" to be going solo

IMAGE Noel Orsal

Gabbi Garcia talks about the advantage of doing projects on her own. And she assures it does not mean the end of her love team with Ruru Madrid.


Ikinatutuwa raw ni Gabbi Garcia ang pagkakaroon niya ng mga solong proyekto.

Highly identified kasi si Gabbi bilang ka-love team ni Ruru Madrid sa Kapuso network, at nagkasama sila sa mga proyekto sa loob ng tatlong taon.

Kaya naman nanibago raw ang young actress gumawa ng solo projects—bilang cover girl sa recent issue ng Preview Magazine at endorser ng shampoo brand na Pantene.

Ayon kay Gabbi, “Three years ba naman kaming nagka-work and all of my shows I’ve done with him.

"It’s something new to me, something I really had to adjust to.

“But I don’t look at it as something negative and something that can pull both of us down.

“It’s a way to explore different projects, to grow as an artist and individual.”

Ano naman ang pakiramdam ng going solo?

“It feels great, don’t get me wrong, hindi ko sinasabing it doesn’t feel great with a partner, ha,” paglilinaw ng aktres.

Paliwanag pa ni Gabbi, “But it’s a different experience working with yourself. You get to know yourself better.

"You get to know your capabilities and capacities as an artist. You get to explore.”

Sa edad na 18, masaya raw si Gabbi na nagkakaroon siya ng magagandang oportunidad.

“Ang sarap sa feeling na 18 ako, I get to do all of this.

“It’s a different experience working as an individual, I would like to venture and explore more.

"Right now what’s happening is yung way ko.

“I would like to stretch it more, I would like to accept all the projects.”

HAPPY FOR RURU. Masaya rin si Gabbi para kay Ruru dahil mayroon naman daw itong bank endorsement ngayon.

Sabi niya, “And I’m also happy for Ruru for what he’s becoming right now.

“He’s a great actor, he’s so good in his craft.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it’s good we’re exploring individually.”

Sa GMA-7 primetime series na Encantadia ay naipapareha na si Ruru sa ibang leading ladies.

Kay Kylie Padilla sa umpisa at ngayon naman ay kay Arra San Agustin.

Pinangunahan na ni Gabbi na hindi naman daw kailangang malungkot ang supporters ng love team nila ni Ruru, na kilala sa tawag na GabRu.

Magkatambal pa rin daw sila sa Sunday Pinasaya at magkasama sa ilang commitments.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN