Kathryn Bernardo and Daniel Padilla will have 'two weddings'

IMAGE Glen Sibonga

Reel- and real-life couple Daniel Padilla and Kathryn Bernardo both answered 28 as their ideal marrying age. Kathryn has just turned 21 while Daniel will celebrate his 22nd birthday this month. Will we be able to hear wedding bells six to seven years from now?


Madalas matanong ngayon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla hindi lang tungkol sa kanilang relasyon kundi pati na rin sa pagpapakasal, lalo na nga’t ikinasal ang mga karakter na ginagampanan nila sa bagong pelikulang pinagbibidahan nila, ang Can’t Help Falling In Love.

Tungkol sa dream wedding nila ang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na dumalo sa presscon ng pinagbibidahan nilang pelikula, na ginanap nitong Martes, April 11, sa Wang Fu restaurant sa Il Terrazo, Tomas Morato, Quezon City.

Sabi ni Kathryn, “Beach wedding, yun ang dream ko.”

Tila gusto namang kumontra ni Daniel, “Pero baka dalawang wedding yun.”

Singit ni Kathryn, “Kasi hindi kami magkasundo.”

Pagpapatuloy pa ni Daniel, “Ako kasi, gusto ko naman lahat ng fans nandoon sa wedding.

“I mean, nandoon lahat sa labas. Gusto ko silang makita.

“Gusto ko siyempre ma-experience nila yun, di ba, dahil nandiyan naman sila along the way, hindi naman sila nawala.

“So, masaya rin siguro kung nandoon sila.”

Pero napag-usapan na ba nila ito?

Sagot ni Daniel, “Kung sakali dalawang kasal na lang. Ganun na lang.”

MARRYING AGE. Ano naman ang ideal age nila para magpakasal?

“Twenty-eight ako,” sambit ni Kathryn.

Sinegundahan naman ito ni Daniel, “Mga ganun din. Ayoko ng masyadong late, e.”

Kathryn turned 21 noong March 26, habang si Daniel will turn 22 sa April 26. Kaya mga six to seven years pa bago sila ikasal.

Habang hindi pa raw sila ikinakasal sa totoong buhay, i-enjoy na lang daw muna ng kanilang fans ang pagiging mag-asawa nila sa Can’t Help Falling In Love, na mapapanood na sa mga sinehan simula sa Black Saturday, April 15.

Dahil malapit na ang birthday ni Daniel, kasama raw sa wish niya ang tagumpay ng kanilang pelikula.

Sabi niya, “Oo naman, eto na ang pinakamagandang regalong makukuha ko at ni Kathryn sa birthday namin, na maging successful at maraming-maraming tao ang mapasaya ng pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon lang, pag nangyari na yun, masaya na tayo sa birthday namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN