Marian Rivera, Dingdong Dantes to adjust work load around baby Zia

IMAGE Jerry Uy

"Kinausap kami ng GMA para ma-balance namin yung mga schedule namin... So, kung wala ako, kailangan nandiyan siya para sa anak namin," pahayag ni Marian Rivera tungkol sa kasunduan nila ng mister na si Dingdong Dantes pagdating sa kanilang trabaho at buhay-pamilya.


Ibinahagi ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na mayroon silang usapan ng GMA-7 management kung paano nila babalansehin ang kanilang work load ngayong taon.

Ito ay upang siguruhing mananatiling hands-on ang mag-asawa sa pagpapalaki sa kanilang isang taong gulang na anak na si Maria Letizia o Baby Zia.

Paliwanag ni Marian, “Kinausap kami ng GMA para ma-balance namin yung mga schedule namin.

“Ang talagang kailangan, hindi rin ako papayag na kung wala ako, wala siya [Dingdong].

“So, kung wala ako, kailangan nandiyan siya para sa anak namin.”

Kasado na kasi ang mga proyektong gagawin ni Marian sa kanilang home network. 

Kabilang dito ang pagbabalik niya sa Encantadia, bagong pagbibidahang primetime series, at isang show sa GMA News TV.

Ngayong Abril ang simula ng pagbabalik-trabaho ng Kapuso Primetime Queen.

Aniya, “Excited ako magbalik sa primetime, especially yung gagawin kong character ngayon na-miss kong gawin.

“And then, wala, e. Alam kong mahihirapan ako na iwan talaga si Zia.”

Si Dingdong ay nakatakda ring magbalik ang ginagampanan nitong papel sa Encantadia.

Maliban dito ay tikom ang bibig ng aktor sa susunod niyang teleserye sa GMA Network.

Nakangiting hirit ni Dingdong, “Ngayon magwo-work si Marian, so ako ang toka sa bahay ngayon.”

Nakapanayam ang mag-asawa ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa #Dadventures camp na ginanap sa Dusit Thani Manila noong April 3. 

Hindi man nagdetalye si Marian sa bagong teleseryeng pagbibidahan niya, nabanggit niyang isinalang-alang niya ang anak pagdating sa pagpili ng gagawin niyang proyekto.

Sabi ni Marian, “Siguro ngayon, gusto ko maging role model ng anak ko.

“Sa bawat gagawin ko, gusto ko maging ehemplo niya kaming parents niya.

"Kung paano kami magmahal sa isa’t isa, kung paano kami sa ibang tao.

"So, gusto naming ganun si Zia lumaki."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN