Lotlot de Leon on marrying Lebanese boyfriend: "Hinihintay ko na lang ang singsing!"

IMAGE Rommel Gonzales

Lotlot de Leon is in two movies, one teleserye, and runs her own restaurant business. She is having a good time, "Nakakatuwa lang, pagkatapos ng tatlong-daan lang ang pera mo, limang-daan... Yung panahon na wala kang trabaho ng anim na buwan, eleven months… " On top of it, she is happy with her boyfriend, Fady Al Soury, "Hinihintay ko na lang ang singsing," she announces.


Masaya ang love life ng aktres na si Lotlot de Leon sa Lebanese boyfriend niyang si Fady Al Soury.

Apat na taon na ang kanilang relasyon.

At dahil matagal nang annulled ang marriage nila ni Ramon Christopher Gutierrez, ang ama ng kanyang mga anak, napag-uusapan na raw nila ni Fady ang pagpapakasal.

"Hinihintay ko na lang ang singsing!" natawang sabi ni Lotlot.

Pero pag-amin niya, "Actually, may napili na yata siya."

Gusto raw niyang dito pa rin sa bansa magpakasal at manirahan.

Gusto ring imbitahan ni Lotlot ang biological father niya kung ikakasal siyang muli.

"Yeah, para kumpleto," dugtong niya.

Forty-five years old na si Lotlot, may risk sakaling mabubuntis siya.  

Tanggap naman daw ng boyfriend niya kung hindi sila magkaroon ng sariling anak.

Nakahanda ba naman ang kanyang mga anak na sina Janine, Maxine, Diego, at Jessica Gutierrez sakaling magpapakasal siyang muli?

"Tingnan natin kung mag-iiyakan sila sa kasal, tingnan natin!" natawang sabi ni Lotlot.

"Siguro naman hindi na masama, di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa Maizen, pagkatapos ng special screening ng indie movie niyang 1st Sem, na ipapalabas na sa April 26.

HARD-EARNED SUCCESS. Kung anuman ang tinatamasa ngayon ni Lotlot sa buhay niya, lahat daw iyon ay pinaghirapan niya.

"Wala yata akong bagay na hindi pinaghirapan,” pagmumuni-muni niya.

“Hindi ako nang-akin ng… everything that I have I really worked hard for. 

“Nakakatuwa lang, pagkatapos ng tatlong-daan lang ang pera mo, limang-daan...

“Yung panahon na wala kang trabaho ng anim na buwan, eleven months.

“Or walang pumapansin sa akin, sa pag-arte ko."

May mga panahong sikat na sikat din si Lotlot at tinaguriang "Young Superstar."

Pero ayon sa kanya, “Hindi ko naman naisip yun. 

"At saka that time, all I wanted was to have my own family.

“Parang at that time, I felt that it was the right thing to do. I wanted to settle down.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko nakita yung kung may achievements man nu'ng panahon na yun, I didn't see that."

ALL IS WELL. Okey na raw si Lotlot sa halos lahat ng aspeto ng buhay niya ngayon. 

Nakabalik na siya sa pagiging aktibo sa showbiz.

Sa kasalukuyan, bukod sa 1st Sem, kasama rin siya sa Star Cinema movie na I Can't Help Falling In Love With You nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

May primetime series din siya sa GMA Network, ang Destined To Be Yours.

Hindi lang busy si Lotlot sa kanyang acting career. Abala rin siya sa sariling negosyo, ang The South Grill sa Parañaque.

Bilang ina, masaya si Lotlot na marami ang nakakapansin na mas gumagaling pa si Janine sa pag-arte.

Isa na nga rito ang direktor ng Legally Blind na si Ricky Davao.

"She's out naman to prove something,” nakangiting sabi ni Lotlot.

"Kailangan ko ngang makausap si Kuya Ricky.

"Napanood ko... tawa ako nang tawa. 

“May Viber kami ng mga bata, sabi ko, ‘O, mas magaling ka na pala sa akin ngayon.’

“Sabi niya, ‘Mamaaa... I don't know nga with Tito Ricky.’

"Tinutukso ko lang," nakangiting kuwento ni Lotlot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN