Lotlot de Leon harbors no ill feeling towards Elmo Magalona: "I wish him well."

IMAGE Noel Orsal

Lotlot de Leon shrugs off the breakup of her daughter Janine Gutierrez and Elmo Magalona as one of those things. "Ang babata pa nga nila and, siguro nga, they are not meant for each other. Mabait naman na bata si Elmo, and I don't have anything to say against him," she says.


Itinanggi ni Lotlot de Leon na may sama siya ng loob kay Elmo Magalona, ang ex-boyfriend ng panganay niyang anak na si Janine Guterrez.

Dalawang taon ang itinakbo ng relasyon nina Janine at Elmo na nagwakas nang maging abala ang Kapamilya actor sa kanyang mga commitment sa ABS-CBN.

Pahayag ni Lotlot, "Wala, actually, it was between him and Janine. I have nothing to say.

"I just look at it as a way… it has to happen for her to learn to grow as a person."

Dugtong pa niya, "I don't have any ill feeling towards Elmo.

"Siguro siya din, dapat niyang pagdaanan yun to be able to grow as a person.

"Sana maging magkaibigan pa rin sila, and I wish him well."

LET IT BE. Naiintindihan naman daw ni Lotlot na bukod sa pareho pang bata sina Elmo at Janine, pareho rin itong nakatutok sa kani-kanilang career.

Aniya, “Ang babata pa nga nila and siguro nga, they are not meant for each other.

"Mabait naman na bata si Elmo, and I don't have anything to say against him.

"Kaya lang, ganun lang talaga, ganun lang ang tinahak ng kanilang..."

Kinausap ba siya ni Elmo matapos nilang maghiwalay ni Janine, bilang respeto sa kanya at naging close naman ito sa kanilang pamilya?

Ayon sa award-winning actress, "No, puwede din. Pero ako kasi, I don't mind.

"If he did that kind of gesture then, thank you, salamat.

“Minahal din naman siya ng mga kapatid ni Janine, he was a part of the family.

"Yun na nga, siguro hanggang dun na lang yun, let's just leave it at that."

May fears ba siya sa kanyang dalagang anak, lalo na't maganda ito at nasa showbiz rin?

Sabi ni Lotlot, "Wala naman dahil alam kong matalino si Janine.

"Whatever decision that she makes, susuporta lang talaga ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think naman she makes the right choices for herself.

“Hindi naman ako ang magdadala nun, e, good or bad."

PAINFUL REMINDER. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang beteranang actress sa premiere night cum presscon ng pelikulang 1st Sem, na ginanap sa SM Megamall noong April 11.

Bilang isang single parent rin, may pagkakahawig ang role ni Lotlot sa 1st Sem sa kanyang buhay.

Ano ang naging epekto nito sa kanya?

Saad ni Lotlot, "Parang ni-relive ko lang ulit yung buhay ko.

"Paano ako dati as a sister, as a mom na binigyang buhay siya, si Precy, sa 1st Sem.

"So, it wasn't difficult. Pero at the same time, it was painful.

“Siyempre kailangan mong balikan ang lahat, naalala mo lahat ang proseso.

"But it turned out okay."

Mapapanood ang 1st Sem sa April 26. Bida rito ang mga baguhang sina Darwin Yu, Michael Bagtas, at Sebastian Vargas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN