DOJ junks Avi Siwa's illegal recruitment and estafa complaints vs American businessman

IMAGE File

Ayon sa Department of Justice (DOJ), walang probable cause ang mga reklamong inihain ng dating model-TV host Avi Siwa laban sa American businessman na si Eric Allison kaya ito ibinasura.


Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang mga reklamong illegal recruitment at estafa na inihain ng dating FHM 2009 covergirl na si Avi Siwa laban sa American businessman na si Eric Allison.

Sa pitong-pahinang desisyon na nilagdaan ni Senior Assistant State Prosecutor Ma. Cristina A. Montera-Barot, sinabi ng Huwes na kulang sa probable cause ang mga inihaing reklamo ni Avi.

“WHEREFORE, premises considered, the complaint against respondent is hereby DISMISSED for lack of probable cause.”



Noon pang May 30, 2016 nailabas ng DOJ ang nasabing desisyon, ngunit ngayong April 19, 2017 lamang naipadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kopya nito.

January 5, 2016, nailathala ng PEP ang artikulong may pamagat na "Starlet Avi Siwa accuses businessman Eric Allison of illegal recruitment," kung saan kapwa naghayag ng kanilang panig ang magkabilang kampo.

Nag-ugat ang away ng dalawa sa transaksiyon ng diumano'y mga pekeng gold bar noong taong 2014.

Read: PEP EXCLUSIVE. Model-TV host Avi Siwa explains her side on alleged gold bar scam


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN