Is Angelica Jane Yap engaged to her Mr. Pastillas?

by Nerisa Almo
Apr 18, 2017
"Dream ring from my dream guy." This was Angelica Jane "Pastillas Girl" Yap's caption to her Instagram post where she is seen wearing what looks like an engagement ring. Has Pastillas Girl finally found her Mr. Pastillas?

Engaged na ba si Pastillas Girl?

Ito ang hinala ng ilang followers at fans ni Angelica Jane Yap matapos mag-trend ang Instagram post niya ng isang diamond ring, na ipinapalagay ring isang engagement ring.

Kapansin-pansin din ang caption na inilagay ng Viva talent: "dream ring from my dream guy."

Sa post na ito ay naka-tag ang Instagram account ni Enzo Gallego.

Si Enzo ang lalaking pinatatamaan ni Angelica sa kanyang viral video noong 2015, tungkol sa paggawa ng pastillas na may kasamang "hugot lines."

dream ring from my dream guy ????????

A post shared by Angelica Jane Yap ???? (@angelicajaneyap) on

Sa isa pang post, ipinakita rin ni Angelica ang dalawang diamond-studded rings.

Caption niya rito: “I'm a princess.”

I'm a princess ????????

A post shared by Angelica Jane Yap ???? (@angelicajaneyap) on

Naka-off ang comment feature ng Instagram account ni Angelica.

Ngunit mapapansing umabot na sa ilang libo ang likes ng dalawang Instagram posts niya kahapon, April 17.

Matapos maging viral sa social media ang kanyang "pastillas video" noong 2015, binigyan si Angelica ng sarili niyang segment sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime, ang "Nasaan Ka Mr. Pastillas."

Ang "Nasaan Ka Mr. Pastillas?" ay isang dating game na ipinantapat sa patok na patok na segment noon ng Eat Bulaga, ang "Kalyserye" ng AlDub love team.

Sa isang episode ng "Nasaan Ka Mr. Pastillas?" ay naging guest si Enzo, kung saan humingi siya ng tawad kay Angelica at para tuldukan na rin ang kanilang relasyon.

Pero nito lamang February 2017, ginulat ni Enzo ang netizens nang mag-post siya ng isang mahabang mensahe para kay Angelica sa Facebook.

Dito ay muli niyang inalala ang naging relasyon nila.

Sa huli, tinanong ni Enzo si Angelica ng ganito: "To my one that got away, akin ka na lang? Akin ka na lang ulit?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula noon ay madalas nang mag-post sina Angelica at Enzo ng mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang social media accounts.

A post shared by Enzoned (@enzoharper) on

Nag-iwan ng private message ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angelica upang kumpirmahin kung engaged na nga sila ni Enzo.

At press time ay hindi pa kami nakakatanggap ng sagot mula sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dream ring from my dream guy." This was Angelica Jane "Pastillas Girl" Yap's caption to her Instagram post where she is seen wearing what looks like an engagement ring. Has Pastillas Girl finally found her Mr. Pastillas?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results