Is Angel Locsin dating Bela Padilla's ex-boyfriend?

IMAGE Photos from Instagram / Facebook

Is Neil Arce the non-showbiz guy that Angel Locsin is dating now? The two were reportedly spotted in Hong Kong last Holy Week, together with some friends.


Ang ex-boyfriend ba ni Bela Padilla na si Neil Arce ang bagong idini-date ni Angel Locsin?

Ito ngayon ang usap-usapan matapos mamataan sina Angel at Neil na magkasama sa Hong Kong nitong Holy Week.

Kinumpirma ni Bela nitong January 2017 na hiwalay na sila ni Neil, isang film producer at businessman.

Sa ulat ni Reggee Bonoan para sa bandera.inquirer.net nitong Martes, April 18, isang source umano ang nakakita kina Angel at Neil na magkasama sa Hong Kong, kasama ang ilan pang mga kaibigan na diumano’y taga-TV production.

Tugma ang impormasyong ito sa larawang lumabas sa social media, kung saan makikitang magkatabi sina Angel at Neil, kasama ang kanilang mga kaibigan.

Kuha umano ang larawan sa Tung Chung station sa Hong Kong.


Nitong Marso 2017 ay kinumpirma ni Angel na "exclusively dating" na sila ng isang non-showbiz guy, na hindi niya pinangalanan.

“Lumalabas ako ngayon. Kaka-start din naman. Huwag na nating pangunahan. But happy heart naman,” pahayag ng Kapamilya actress sa interview ng TV Patrol noong March 16.

Read: Angel Locsin confirms dating non-showbiz guy: "Happy heart naman."

NEIL AVOIDS THE PRESS. Nitong Martes ng tanghali, April 18, namataan ng reporters si Neil sa press conference ng Luck At First Sight, ang pelikulang pinagbibidahan nina Bela Padilla at Jericho Rosales.

Ilang beses sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang writers na kumpirmahin kay Neil kung magkasama nga sila ni Angel sa Hong Kong noong Holy Week, subalit naging mailap ang film producer.

Bagamat in-entertain ni Neil ang ilang katanungang may kinalaman sa pelikula, umiiwas naman siya sa tuwing natatanong tungkol kay Angel.

Bukod sa pagiging co-producer ng pelikula, sina Neil at Bela ang nagsulat ng istorya ng Luck At First Sight.

Bagamat break na sila, napanatili nina Neil at Bela ang pagiging magkaibigan at pagiging magkatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Luck At First Sight ay idinirek ni Dan Villegas at magbubukas sa mga sinehan simula sa May 3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN