Diego Loyzaga on rift with dad Cesar Montano: "Hindi na siya issue sa akin."

by Nerisa Almo
Apr 20, 2017
Diego Loyzaga on issue with dad Cesar Montano: "Kung tinatanong mo kung naayos man o hindi, basta sabihin na lang natin na naiwan na lang siya sa past. Tapos na ang isyu na yun."

Hindi raw inaasahan ni Diego Loyzaga na mapabibilang pa siya sa bagong afternoon drama series ng ABS-CBN, ang Pusong Ligaw, dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan niya kamakailan.

Ang tinutukoy niya ay ang paglalabas niya ng saloobin laban sa amang si Cesar Montano sa social media.

STORIES WE ARE TRACKING

Pahayag ni Diego, “To be honest po, kung gusto niyo po talaga na malaman ang katotohanan, hindi ko talaga ini-expect na mangyayari 'to.

“Hindi ko talaga ini-expect na matutuloy 'to.

“Hindi ko na-expect na aabot ako dito, dito sa kinauupuan ko, sa harapan ninyo, ngayon.

"Pero nandito ako ngayon."

Nakausap ng entertainment reporters si Diego sa media launch ng Pusong Ligaw kagabi, April 19.

PART OF THE PAST. Hindi direktang binanggit ng 21-year-old Kapamilya actor ang isyu nila ng ama nang kumustahin ang kalagayan niya ngayon.

Gayunman, nilinaw niyang parte na ito ng kanyang nakaraan.

Saad ni Diego, “Well, dahil doon sa mga pagsubok na pinagdaanan ko noong mga nakaraang buwan at taon...

Continue reading below ↓

“Siyempre, mga personal na isyu yun. Pero siyempre, sigurado naman na alam niyo kung ano ang mga yun.

“So, nawala lang po ang isip ko sa pag-aantay ng teleserye, nagulo lang ako ng kaunti.

“I'm very, very happy to be here.

“I don't know another time I've been happy in my life na nandito na ako, kasama ko ang mga 'to, and nakakapagsimula na kami.

“Nakita mo ba ang trailer namin, napakaganda, alam mo yun?

“Parang there's nothing more to be upset about, to be sad about.

“Ang nakalipas, nakalipas na. Masaya na ako kung nasaan ako ngayon.

“At happy talaga ako na kasama ko 'tong mga to.”

Ipinagpapasalamat ni Diego ang pagiging abala niya ngayon sa unang teleseryeng pagbibidahan nila ng kanyang loveteam partner na si Sofia Andres.

Sabi niya, "I'm good because I'm busy. I'm busy doing what I love.

“This is my craft. Ito yung puhunan ng buhay namin.

Continue reading below ↓

"Ito talaga yung ginagawa ng isang artista—magkayod at magsikap para sa sarili at sa pamilya.

"So, in general, I'm very, very good."

Hindi nilinaw ni Diego kung naayos na ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang ama.

Ngunit diin niya, “If you're talking about the issue that happened in the past, hindi na siya issue sa akin.

“Kung tinatanong mo kung naayos man o hindi, basta sabihin na lang natin na naiwan na lang siya sa past. Tapos na ang isyu na yun.

“Ang ginagawa ko ngayon, araw-araw na nagtatrabaho. Happy ako sa ginagawa ko.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Read Next
Read More Stories About
Diego Loyzaga, Cesar Montano
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga on issue with dad Cesar Montano: "Kung tinatanong mo kung naayos man o hindi, basta sabihin na lang natin na naiwan na lang siya sa past. Tapos na ang isyu na yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results