PEP EXCLUSIVE. Andi Eigenmann reveals reason for deactivating Twitter account

IMAGE Noel Orsal

Binura na ni Andi Eigenmann ang kanyang Twitter account dahil ayaw na raw niyang makipagsagutan pa kay Jake Ejercito. Hindi rin daw ito nakakabuti para sa kanyang anak.


Pagkatapos ng ilang linggong parinigan at patutsadahan sa social media sa pagitan ng dating magkasintahang sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito, binura na ng aktres ang kanyang Twitter account kahapon, April 24.


Sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Andi ang rason kung bakit niya binura ang kanyang Twitter account na @andieigengirl, na mayroong 1.3 million followers.

Pahayag ng 26-year-old Kapamilya actress, “Ayaw ko naman po kasi talaga na magsalita.

"But because Twitter is there, whenever I let my feelings get the best of me, ‘yan yung outlet ko palagi.

“So, huwag na lang ako mag-Twitter para wala na lang outlet at all.”

Dagdag pa niya, “Surfing is the best and only outlet.

"I just want to stay away from the media already.

"Di rin naman po nakakabuti sa anak ko na makikipagsagutan pa sa kanila."

Nitong mga nakaraang araw ay sunud-sunod ang patutsada ni Andi laban kay Jake, matapos itong maghain ng petition for joint custody para sa kanilang anak.


Stories We Are Tracking

Andi to Jake:
Andi to Jake: "Stop accusing me of playing victim."
Jake to Andi:
Jake to Andi: "Please stop making it about you."
Andi on Jake and family:
Andi on Jake and family: "Basura lang tingin nila sa akin."
Andi launches Twitter tirade against Jake and his family
Andi launches Twitter tirade against Jake and his family


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN