PEP EXCLUSIVE. Vicki Belo confirms upcoming wedding to Hayden Kho

IMAGE @dochayden on Instagram

Tumangging magbigay ng detalye si Dra. Vicki Belo tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal ng longtime boyfriend niyang si Hayden Kho Jr. Ngunit kinumpirma niya ang naunang report na sa Paris, France gaganapin ang kanilang kasal.


“The wedding is confirmed, it will be in Paris.”

Ito ang text message na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isa sa malapit na kaibigan nina Vicki Belo and Hayden Kho Jr. ngayong Martes, April 25.

“Small wedding lang,” dagdag pa ng aming source tungkol sa nasabing kasalan.

Ayon pa sa text, ang world-renowned Christian speaker na si Dr. Ravi Zacharias and mag-o-officiate sa kasal nina Vicki at Hayden.

Wala nang ibang detalyeng ibinigay sa amin ang aming source.

Kinumpirma rin ni Dra. Belo sa PEP ang mga naunang ulat tungkol sa pagpapakasal nila ni Hayden, ngunit tumanggi itong magbigay ng detalye.

Sabi niya sa kanyang text sa amin: “Naku, secret lahat.”

Lumabas sa isang daily broadsheet kahapon, April 24, ang balitang pagpapakasal nina Vicki at Hayden sa Paris, France.

Twelve years na ang itinatakbo ng relasyon nina Vicki at Hayden, na 25 taon ang agwat ng edad.

Dumaan sa maraming pagsubok ang kanilang relasyon, kung saan ang pinakamatindi marahil ay nang masangkot sa sex video scandal si Hayden noong 2009 at ang kanilang breakup noong 2012.

Ngunit nanaig pa rin ang pagmamahalan sa pagitan nila at ngayon nga'y iseselyado na nila ito sa pamamagitan ng pagpapakasal.

Mayroon nang isang anak sina Vicki at Hayden, si Scarlet Snow, 2.


Stories We Are Tracking

Vicki Belo and Hayden Kho Jr. to tie the knot in Paris
Vicki Belo and Hayden Kho Jr. to tie the knot in Paris
Vicki Belo says Hayden Kho is her 'dream man'
Vicki Belo says Hayden Kho is her 'dream man'
Vicki Belo's Father's Day message for Hayden Kho
Vicki Belo's Father's Day message for Hayden Kho
Vicki Belo, Hayden Kho introduce their daughter
Vicki Belo, Hayden Kho introduce their daughter


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN