Gary Valenciano defends daughter Kiana from bashers; attests to her closeness to JaDine

IMAGE Alven Tangub

Gary Valenciano defended daughter Kiana from a basher who accused her of riding on JaDine's popularity: "Actually, yung ginagawa niya, ginagawang pangit lang ang reputasyon ng JaDine." 


Kamakailan lang ay may mga nang-bash kay Kiana Valenciano dahil sa pagiging malapit nito kina James Reid at Nadine Lustre. 

Read: Kiana Valenciano called "famewhore" by basher for being close to JaDine 

Pinagbintangan si Kiana diumano ng isang basher na ginagamit ng dalaga ang magka-love team at magkarelasyon na sina James at Nadine para mapansin o sumikat.

Dahil dito, nag-post ang ama nitong si Gary Valenciano sa sariling Instagram account na tila depensa para sa bunsong anak laban sa basher nito.

“Well, unang-una, alam kong magkakabarkada lahat ‘yan—James, Nadine, Kiana, yung kapatid ni James. 

"As in magkakabarkada—they go out together, they hang-out together.

“At nalaman ko, yung nangba-bash pala sa kanya, nagpapanggap na JaDine.

"Pero actually, yung ginagawa niya, ginagawang pangit lang ang reputasyon ng JaDine,” lahad ni Gary nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naging thanksgiving niya para sa matagumpay na Gary V Presents series of concerts sa Polari Music Hub noong April 26.

Hangga’t maari, hindi raw siya nanghuhusga ng tao kaya kahit basher, iniisip niyang may dahilan kung bakit ganun ang mga ito.

Paglilinaw pa niya, “I don’t judge people so may dahilan kung bakit bina-bash si Kiana.

"But my concern is, si Kiana.”

Kumusta naman ang anak pagkatapos na maranasan na may basher na?

Saad niya, “Okey naman, okey naman si Kiana.

"Siyempre, masasaktan. Sino ba naman ang hindi, 'di ba? 

"Malamang yung nangba-bash, nasaktan din dati kaya nangba-bash siya ngayon.

“But I have to understand her.”

ADVICE FOR KIANA. Ano naman ang ipinayo ni Gary sa kanyang dalaga dahil sa pinagdaanan niyang ito?

Kuwento ni Mr. Pure Energy, “Sinabi ko kay Kiana, 'Alam mo Kiana, kung sino ang nagde-define sa ‘yo, hindi yung sinasabi ng tao, lalung-lalo na yung mga bashers.' 

"'Always go back, kung sino ang nagmamahal sa ‘yo unconditionally.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Kasi, madali naman tayong mag-love, di ba?'

“'Pero oras na nilagay mo yung word na unconditional before the word love, dun tayo magkakatalo. Because it’s only God who can love unconditionally.'

“'Kahit anong mangyari sa buhay mo, kahit matanda ka na, ganun pa rin ang tingin sa ‘yo ng Lord.'

"That’s what I always tell her.”

Naapektuhan din ba si Kiana sa natanggap na pangba-bash?

“Naapektuhan naman, pero hindi naman pinag-usapan, hindi naman ganun naapektuhan,” pahabol niya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN