Tom Rodriguez slowly moves on after death of father

IMAGE Instagram@popoycaritativo

"It's tough. Sabi nga namin, it's out of selfishness that we miss him. But we're partly happy that he's not suffering anymore," says Tom Rodriguez about losing his dad recently. Tom's father William Albert Mott Sr., (left, pictured above with Tom) succumbed to lung cancer at the age of 76.


Nakabalik na ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez mula sa U.S. pagkatapos na mailibing ang kanyang ama na pumanaw dahil sa sakit na cancer.

Read: Tom Rodriguez's American father passes away

Pumanaw ang ama niyang si William Albert Mott, Sr. noong nakaraang March 25 sa Arizona, U.S.A. sa edad na 76.

Lumipad si Tom patungong U.S. noong nakaraang March 17 nang malaman niyang nasa kritikal na kalagayan na ang kanyang ama.

Hindi naman itinago ni Tom na na-diagnose na may lung cancer ang ama noong August 2016.

Higit na isang buwan si Tom sa U.S. dahil tumulong siyang asikasuhin ang burol at libing ng kanyang ama.

Kaya pagkatapos ng teleserye niyang Someone To Watch Over Me at talent reality show na #LIKE ay hindi muna tumanggap ng anumang shows si Tom dahil mawawala siya nang matagal.

Inamin ng aktor na hindi niya ini-expect na ngayong taon magpapaalam ang kanyang ama, kaya hindi raw sila masyadong nakapaghanda sa pagkawala nito.

“Dad's huge heart left a giant dent in ours, so we miss him a lot.

“It's tough. Sabi nga namin, it's out of selfishness that we miss him. But we're partly happy that he's not suffering anymore,” pahayag pa ni Tom sa naging interview niya sa GMA-7 news program na 24 Oras.

Unti-unti na raw na nakaka-move on si Tom at nagpapasalamat na sa pagbalik niya ay dalawang shows agad ang gagawin niya sa GMA-7.

ANSWERED PRAYER. Kasama si Tom sa inaabangan na telefantasya na Mulawin Vs. Ravena kunsaan gaganap siya bilang mortal na ama ni Bea Binene, na anak naman niya sa isang mulawin na ginagampanan ni Carla Abellana.

May gagawin din siyang romantic-comedy series with Carla na may titulong I Heart Davao.

Ito ang muling pagtatambal nila ng girlfriend pagkatapos ng tatlong taon. Huli silang nagtambal sa teleserye na My Destiny noong 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It's an answered prayer din. I've been wishing for this to happen again.

“May pagka-romantic comedy nga, e. It's a cute, charming, and a heartwarming concept,” masaya niyang pahayag.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN