Matt Evans clears troll's pregnancy allegation: "Inutos lang daw sa kanya."

IMAGE Ron Lopez

Matt Evans (shown with wife Katrina Fariñas-Evans and kids) clears the allegation of an unidentified troll who messaged his wife on Instagram, claiming that Matt got her pregnant: "Nakausap namin siya, ang sabi inutos lang daw sa kanya. Tinawagan ko siya, binaba niya rin, binosesan lang ako. Medyo malabo lang talaga kaya wag na nating patulan."


Isang babae ang nag-message sa Instagram account ni Katrina Fariñas-Evans, asawa ng aktor na si Matt Evans, at nagpakilalang nabuntis daw siya ni Matt.

Agad na sinagot naman ito ni Katrina na wag itong gumawa ng paninira sa asawa.

Sa kalaunan ay si Matt na mismo ang nagmensahe sa babae na wag itong gumawa ng kuwento para sirain ang kanilang pamilya.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Matt noong nakaraang Miyerkules, April 26, sa set ng Minute To Win It, siniguro sa amin ng aktor na hindi siya gagawa ng anumang ikasisira ng pamilya nila, lalo’t bata pa lang siya ay pangarap na niya ang isang masaya at buong pamilya.

Tatlo ang anak nina Matt at Katrina.

Ayon kay Matt, “Sa umpisa natawa kami kasi ang labo, e.

“Ako yung tipong tao na matagal kong inasam na magkaroon ng perpektong pamilya, so bakit ko sisirain?

“Bata pa lang ako, pinangarap ko nang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya.

“Yung mga tao diyan na naggugulo dahil walang magawa sa buhay, puwede tumigil na lang kayo, ha?

“Kasi una sa lahat, mahirap sirain ang pamilya ko dahil napakasaya namin.

“Kaya kung ano ang mga pinaplano ninyo, isarili niyo na lang.”

CLUELESS. Agad naming tinanong si Matt kung may ideya ba sila kung sino ang nasa likod ng paninirang ito sa kanya?

“Di ko alam, e.

“Nakausap namin siya, ang sabi inutos lang daw sa kanya.

“Sabi ko, 'Parang wala ka naman sa tamang pag-iisip na gagawin mo ang isang bagay na inutos lang sa iyo.'

“'Ibig sabihin ba pag pinatalon ka sa bangin, tatalon ka?'”

“Tinawagan ko siya, binaba niya rin, binosesan lang ako.

“Medyo malabo lang talaga kaya wag na nating patulan,” pakiusap niya.

LEGAL ACTION. Ayon kay Matt ay may plano din silang magsampa ng demanda sa gumawa nito sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Actually, kinakausap na namin abugado namin para gumawa ng aksyon dito.

“Siyempre, iba yung damage sa mga anak ko, sa family ko, lalo na sa panganay ko.

Nagbigay din ng mensahe ang aktor sa mga taong gumagawa ng ganitong bagay sa iba.

Lahad niya, “Yung mga taong ganun mag-isip, siyempre kailangan ninyong tigilan. kasi una sa lahat, di nakakabuti sa inyo, di nakakabuti sa ibang tao.

“Paano kayo aasenso kung mang-aapak kayo ng ibang tao, di ba?”

OVERWHELMED WITH SHOW'S SUCCESS. Katatapos pa lang ng The Greatest Love na naging matagumpay at tinutukan talaga ng mga manonood.

Hanggang sa ngayon ay overwhelmed pa rin si Matt sa init ng pagtanggap ng publiko sa serye at sa pagkakaibigan na nabuo sa lahat ng bumubuo ng The Greatest Love.

“Siyempre overwhelming pa rin talaga yung pakiramdam kasi ramdam na ramdam naming lahat ang suporta mula simula hanggang matapos.

“Hanggang ngayon na di na umeere yung The Greatest Love, iba pa rin yung pasasalamat namin.

“Yung mismong grupo, on and off, Kapamilya talaga.”

“Naiwan sa amin yung pagiging pamilya talaga.

“Kumbaga, yun nga, sabi nga ni Nanay Sylvia [Sanchez], 'Di lang ako magiging Nanay sa inyo on cam kungdi off cam.'

“Nagkikita-kita? Oo, hanggang ngayon.

“Nung Sunday nga galing kami sa bahay ni Tito Nonie.

“Dinner tapos kaunting kasiyahan.

“Nakaka-miss siyempre, lalo ngayon naghihintay kami ng call time every morning.

“Medyo sepanx [separation anxiety] pa kami.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN