Marami ang kinilig sa Instagram post ni Miss Universe Thailand 2016 Chalita Suansane kagabi, February 20.
Makikita sa larawan na kasama niya ang Chinese-Filipino actor-model-TV host na si Richard Juan.
Kasalukuyang nasa Thailand si Richard para sa Wonderfruit Festival doon.
Ayon naman sa ilang mga nagkomento sa post ni Chalita, bagay raw sila ni Richard.
Samantala, wala mang post si Richard sa kanyang profile, may mga inilagay naman itong pictures at videos nila ni Chalita sa Instagram stories niya.
Isa rito ay may heart emoji pa.
May mga in-upload din ang Thai beauty queen na videos at larawan nila ni Richard sa kanyang Insta stories.
Nagkakilala sina Richard at Chalita sa Miss Universe 2016 na ginanap sa Pilipinas nitong January 2017.
Pagkatapos ng pageant, sinabihan daw niya si Chalita na pupunta siya ng Thailand ngayong Pebrero.
Wala pang sagot sina Chalita at Richard sa kanilang followers sa Instagram.