Vice Ganda, Aiza Seguerra, Bianca Gonzalez react to Sen. Tito Sotto's "na-ano lang" joke

IMAGE Noel Orsal/ Instagram/RTVM

Bianca Gonzalez, Gretchen Ho, and Aiza Seguerra are among the celebs who expressed support for DSWD Secretary Judy Taguiwalo, following Sen. Tito Sotto's "na-ano lang" remark about the secretary. 


Nadagdagan pa ang bilang ng mga artistang nagpakita ng suporta kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.

Ito ay kaugnay ng ginawang biro ni Senator Tito Sotto sa kalihim sa Commission of Appointments hearing, sa Senado, kaninang umaga, May 3.

Nagpakita ng suporta sina Bianca Gonzalez, Gretchen Ho, Aiza Seguerra at partner nitong si Liza Diño sa kalihim.

Nauna nang nag-tweet sina Lea Salonga, Janine Gutierrez, at Pokwang hinggil sa isyu.


Stories We Are Tracking

Sen. Tito Sotto apologizes for
Sen. Tito Sotto apologizes for "na-ano lang" remark
Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Sen. Tito Sotto draws flak over his
Sen. Tito Sotto draws flak over his "na-ano lang" remark

Si Aiza, na dating kasamahan ni Sotto sa GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! ay nag-status sa Facebook upang katigan si Taguiwalo.

Gayundin ang asawa ni Aiza na si Liza.

Nag-tweet naman ang ABS-CBN host na si Bianca Gonzalez upang magbigay-pugay sa DSWD secretary.

Isa sa tweets ni Bianca: “Mabuhay ang mga solo parents, iba ang lakas at katatagan ninyo.”

Naging matapang naman si Gretchen Ho sa kanyang tweet.

Tinawag niyang "unnecessary and misogynistic” ang komento ng senador.

Nauna nang nag-tweet si Pokwang sa pagkontra niya sa “biro” ng senador, subalit muli siyang nag-tweet.

Matapang na tweet ng comedienne at single mom: “Hindi po ako na-ano lang! naging single mom ako kasi wala pong BAYAG!! ang lalaking minahal ko! pero binuhay ko ng marangal mga anak ko!”

“NA-ANO” JOKE: Samantala, may mga artista namang idinaan sa biro ang isyu, kagaya nina Vice Ganda at Alessandra de Rossi.

Nag-tweet ang dalawa na patukoy sa biro ni Senator Tito na "na-ano lang." 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN