Lauren Young and Saab Magalona lambast Sen. Tito Sotto over his "na-ano lang" joke

IMAGE Lauren Young Instagram

Hindi nagpaawat ang magkaibigang sina Lauren Young at Saab Magalona sa paghahayag ng kanilang saloobin laban kay Senator Tito Sotto kaugnay ginawang pagbibiro ng senador kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo dahil sa pagiging single mother nito.


May panibagong dagdag sa listahan ng mga artistang nag-react sa ginawang biro ni Senator Tito Sotto kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa hearing ng Commission of Appointments, sa Senado, kaninang umaga, May 3.

Inilarawan ni Sotto ang pagiging single mother ni Taguiwalo bilang "na-ano lang," na salitang-kalye raw para sa mga babaeng naanakan o nabuntis.

Kung ang ibang mga artista ay ginawang biro ang kanilang reaksiyon sa biro ng senador, seryoso ang mga aktres at mag-best friends na sina Lauren Young at Saab Magalona sa mensahe nila para kay Sotto.

Si Lauren ay nakababatang kapatid ni Miss World 2013 Megan Young.

Sa kanyang magkakasunod na tweets ngayong hapon ay binuweltahan ng aktres si Sotto.

Sabi ni Lauren, "Sotto making fun of single parents this time? I mean, how many uneducated statements can you make before you actually learn to shut up."

Ayon sa Legally Blind actress, siya ay pinalaki rin ng isang single mother.

Hamon pa niya: "'Na-ano' sige nga say it. I dare you to say it."

SAAB MAGALONA. Nakakagulat naman ang tweets ni Saab Magalona, anak ng namayapang Master Rapper na si Francis Magalona.
Sa una niyang tweet ay ni-repost ni Saab ang tweet ng ABS-CBN News Channel tungkol sa video clip ng pagtatanong ni Sotto kay Taguiwalo sa hearing kanina.

Kalakip nito ang tweet na ito ni Saab: "May mas babastos pa ba dito?"

Sa sumunod niyang tweet ay binigyan niya ng kahulugan ang pangalan ng senador na katulad ng mga nakasulat na salita sa dictionary.

Sabi ni Saab: "Tito (t?-taw) n. Creepy guy you see at reunions. Stares at your legs. Cracks a misogynistic 'joke.' The only one drinking beer at 10am."

Ni-retweet ni Lauren ang post na ito ni Saab.

Ang yumaong ama ni Saab na si Francis M. ay dating kasamahan ni Senator Sotto sa noontime show na Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SOTTO EXPLAINS. Pagkatapos ng hearing ng Commission of Appointments kanina ay nagbigay na ng pahayag si Sotto sa media kaugnay ng ginawa niyang biro kay Taguiwalo.

Idiniin ng senador na ang "na-ano lang" ay salitang-kalye at biro lamang ito.

Hindi raw niya magagawang bastusin ang mga kababaihan dahil ang kanyang ina ay naging lider noon ng samahan ng mga kababaihan.

Binanggit din ni Sotto na dalawa sa mga anak niyang babae ay hiwalay sa asawa at may mga anak.

Sa huli ay humingi ng paumanhin ang senador kung may na-offend daw sa kanyang sinabi.

Pahayag ni Sotto, “Ang premise ko, sabi ko nga, in the street language, di ba? Yun ang biruan sa kalsada.

“That’s why kung minasama nila, I'm sorry, I apologize. They don’t understand the joke.”


Stories We Are Tracking

Sen. Tito Sotto draws flak over his
Sen. Tito Sotto draws flak over his "na-ano lang" remark
Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Sen. Tito Sotto apologizes for
Sen. Tito Sotto apologizes for "na-ano lang" remark
Vice, Aiza, Bianca react to Sen. Sotto's
Vice, Aiza, Bianca react to Sen. Sotto's "na-ano lang" joke


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN