Claudine Barretto calls out ninong Sen. Tito Sotto for his "na-ano lang" comment

IMAGE Noel Orsal

Claudine Barretto expresses dismay on Senator Tito Sotto's "na-ano lang" remark about DSWD Secretary Judy Taguiwalo, who is a single parent. Claudine said on her Instagram post, "Ninong namin kayo ni Raymart sa kasal so siguro naman po alam ninyong hindi ako NA ANO LANG!!!"


Kinondena ng aktres na si Claudine Barretto ang naging komento ni Senator Tito Sotto sa single parent na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.

Sa ginanap na Senate hearing ng Commission of Appointments para sa kumpirmasyon ni Taguiwalo, kaninang umaga, May 3, pabirong sinabi ng senador na “na-ano lang” ang cabinet secretary dahil sa pagiging single mother nito.

Ang katagang ito ay salitang kalye para sa mga naanakan o nabuntis ngunit walang asawa o di kaya'y hiwalay sa asawa.

Madalas itong ginagamit na biro ni Sotto at Eat Bulaga! co-hosts sa single moms na nagiging bahagi ng segment na “All for Juan, Juan for All.” 

Ngunit para kay Claudine, hindi ito katanggap-tanggap.

Si Claudine ay may dalawang anak at hiwalay sa mister niyang si Raymart Santiago.

Si Sotto ay ninong sa kasal nina Claudine at Raymart,.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, sinabi ni Claudine na "proud" siyang maging isang single mother.

“Senator Tito Sotto, I am a single mother of 2 and im proud of myself and I have so much respect para sa lahat ng ma single mothers na tumatayong nanay at tatay.

“para sa akin bayani ang mga single mothers, wala ho kaming dayoff, sweldo o benefits bilang isang single mother.”

Paalala pa ng aktres, “Ninong namin kayo ni Raymart sa kasal so siguro naman po alam ninyong
hindi ako NA ANO LANG!!!”

Bukod kay Claudine, ilang artista na rin ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa komento ni Sotto kay Taguiwalo.

Kabilang na rito ang single mom na si Pokwang, ang Broadway singer-actress na si Lea Salonga, at ang dating Eat Bulaga! child star at ngayo'y chairperson ng National Youth Commission na si Aiza Seguerra.


Stories We Are Tracking

Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Vice, Aiza, Bianca react to Sen. Sotto's
Vice, Aiza, Bianca react to Sen. Sotto's "na-ano lang" joke
Lauren Young, Saab Magalona slam Sen. Tito Sotto
Lauren Young, Saab Magalona slam Sen. Tito Sotto

SOTTO APOLOGIZES. Samantala, idiniin naman ni Sotto na karaniwang biro sa kalsada ang sinabi niyang “na-ano lang,” patungkol sa pagiging single parent ni Taguiwalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panayam sa kanya ng Senate reporters, pahayag niya, “Kung minasama nila, I'm sorry, I apologize. They don’t understand the joke.”

Gayunman, nilinaw ng senador na hindi niya intensiyong ipahiya si Taguiwalo.

Aniya, “I will be the last person in this country to disrespect a woman.

“I have two daughters who are separated, single, and have children.

“I don't think there should be any big fuss about it.”

Isa sa dalawang anak na tinutukoy niya ang singer-actress na si Ciara Sotto, na may isang anak at hiwalay sa asawang si Jojo Oconer.


Stories We Are Tracking

Sen. Tito Sotto draws flak over his
Sen. Tito Sotto draws flak over his "na-ano lang" remark
Sen. Tito Sotto apologizes for
Sen. Tito Sotto apologizes for "na-ano lang" remark


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN