Louise delos Reyes clarifies past rumor with Aljur Abrenica

IMAGE Glenn Regondola

Louise delos Reyes on past dating rumor with Aljur Abrenica: "During the show, we were really close, kasi kami-kami lang din naman ang magkakasama. Parang meron kaming… and I'm very close to his sister. Wala akong kapatid na babae. Naging close din ako sa mommy niya, sa kapatid niya, sa girlfriend ng kapatid niya. Saka nung nagkaroon ng isyu, kami lang naman ang nagkakaintindihan."


Luma na ngunit hindi pa rin nasasagot ang isyu tungkol sa pagkaka-link nina Louise delos Reyes at Aljur Abrenica noong 2014.

Ito yung panahong ginagawa nila ang telefantasya ng GMA Network na Kambal Sirena.

Ang pagkakaugnay ng dalawa ang sinasabing dahilan kung bakit nag-break si Louise at ang dati niyang boyfriend na si Enzo Pineda.

Ito rin ang itinuturong dahilan kung bakit nagkahiwalay noon sina Aljur at Kylie Padilla.

Sa pocket presscon ni Louise sa Viva office kahapon, May 3, ipinasagot ng entertainment press sa dating Kapuso actress ang napabalitang romantic relationship nila noon ni Aljur.

Ipinaliwanag ng dalaga na kaya siya hindi nagsalita noon ay dahil sa payo na ito ng mga nakapaligid sa kanya: “Kung hindi ka magsasalita, walang magiging isyu. Mamamatay siya.”

Pero sa pagkakataong ito ay nagsalita na si Louise tungkol sa kanila ni Aljur.

Saad niya, “Sabi ko, parang ang hirap yata. Iba kasi ito.

“We became really close after [Kambal Sirena].

“During the show, we were really close, kasi kami-kami lang din naman ang magkakasama.

“Parang meron kaming… and I’m very close to his sister. Wala akong kapatid na babae.

“Naging close din ako sa mommy niya, sa kapatid niya, sa girlfriend ng kapatid niya.

“Saka nung nagkaroon ng isyu, kami lang naman ang nagkakaintindihan.”


Stories We Are Tracking

<p>Louise delos Reyes denies causing Aljur-Kylie breakup</p&g

Louise delos Reyes denies causing Aljur-Kylie breakup

Kylie Padilla admits ignoring Louise delos Reyes
Kylie Padilla admits ignoring Louise delos Reyes
Aljur Abrenica evades questions about Kylie Padilla
Aljur Abrenica evades questions about Kylie Padilla
Enzo moving on after breakup with Louise
Enzo moving on after breakup with Louise

CHECK-IN. Diretsahang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise tungkol sa napabalita noon na nakita umano siyang nag-check-in sa isang hotel, kasama si Aljur.

Paliwanag ng 24-year-old actress, “Sa Bataan and Subic ang taping namin, so ang taping namin, inaabot ng 9 A.M.

“Magtse-check-in kami dahil ang call time namin, 6 A.M. the following day.

“So, parang konti na lang yung oras.

“Kahit si Direk Dondon [Santos], nagtse-check-in, yung executive producer namin.

“Minsan, ‘O, ano ba ito, kukuha na lang ba ako ng room, sama-sama na lang tayo? Sinong gustong umuwi? Sinong ayaw?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, minsan yung call time ko, 3 A.M..

"Kasi meron akong underwater scenes, tapos meron pa akong Unit 2.

“Yung second unit namin, Bulacan. E, sa Eastwood ako umuuwi noon.

“Sabi ko, ‘Uuwi pa ba ako?’ Tapos yung driver ko, ayoko rin na patayin siya.”

Diin ni Louise, “Nag-check-in kami, pero hindi kaming dalawa, marami.

“Siyempre, kapag group kasi, sino yung unang makikita? Yung artists…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN