Louise delos Reyes is now a Viva artist; open to work for ABS-CBN

IMAGE Glenn Regondola

Louise delos Reyes on her decision to leave GMA Network and look for another management team: "This year din po kasi nag-expire ang contract ko. May option naman po ako na mag-try sa iba. Parang as an artist, I want to explore more, I want to experience, and meet new people."


Pumirma si Louise delos Reyes ng five-year managerial contract sa Viva Artists Agency (VAA) noong nakaraang linggo.

Ito ay matapos nag-expire ang kanyang kontrata sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network, noong 2016.

Nang matapos ang kontrata niya sa GMA-7 ay nag-concentrate muna siya sa ibang bagay, lalo na ang pagsusulat ng lifestyle blogs.

Sa pocket presscon na inihanda para sa kanya ng VAA, sa Viva office, sa Tektite Building, Ortigas, Pasig City, kahapon, May 3, nagbigay ng pahayag si Louise kung bakit nagdesisyon siyang umalis sa bakuran ng GMA Network at lumipat ng ibang management team.

Pahayag niya, “This year din po kasi nag-expire ang contract ko.

“May option naman po ako na mag-try sa iba.

“Parang as an artist, I want to explore more, I want to experience, and meet new people.”

Paglilinaw pa ni Louise, “Pero my career with them [GMA], sobrang okay naman.

“Hindi naman porke't umalis, hindi na masaya.

“Happy naman kami nung magpaalam ako sa kanila, nung nagsabi ako.”

MEETING HER EXPECTATIONS. Ayon sa 24-year-old actress, na-meet naman ang expectations niya sa kanyang career noong nasa Kapuso network pa siya.

Wala rin daw siyang sama ng loob nang magpaalam siya sa management.

Sabi pa ni Louise, “Opo, siguro lang dumating lang ako sa point na mas gusto ko pang i-push further yung career ko at yung mae-experience ko pa, in terms of role.

“Like, for example, I did Baka Bukas with Cinema One.

“So, yun talaga, parang na-open yung mata ko na ang dami ko pa palang puwedeng i-try.

“Kaya now that I was given that chance, siyempre gusto ko nang itodo na.”

Ang huling project ni Louise sa GMA Network ay ang afternoon drama series na Magkaibang Mundo noong 2016.

Paano siya napunta sa Viva, at bakit dito niya naisipang pumirma ng managerial contract?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Louise, “Actually, meron pong isang nanay na yung anak niya ay nasa Viva.

“Super-close kasi yung mommies namin, kaya yun… nanay po ni Julian Trono.

“So, parang nung time na I was asking help from other people, na kung meron silang mga kakilala na puwedeng mag-manage.

“Kasi, ang hirap din po na as an artist kung walang nagma-manage sa kanya.

“Ang hirap kahit yung ang pag-uusapan ay money.

“Ang hirap, di ko kaya yun.”

NEW IMAGE, NEW NETWORK? Kasabay ba ng paglipat niya sa Viva ay ang pagbabago na rin ng kanyang image at ang roles na tatanggapin?

Handa na ba siya sa mas daring at mature roles, lalo na't marami ang naseseksihan sa kanya ngayon?

Sagot ni Louise, “Opo, kasi parang it comes with age na rin.

“I'm not saying na I'm super old, kasi I'm only 24, pero tapos na ako sa pa-tweetums.

“I'm saying na I'm not open with love teams, pero I want to be an actor, yung kabuuan ng pagiging artista itself.”

Dahil na rin sa koneksiyon ng Viva sa ABS-CBN, handa ba siyang mabigyan ng trabaho sa Kapamilya network?

Mabilis na tugon ng dating Kapuso star, “Opo, I'm very open with that idea.

“And I think, since I'm with Viva now, mailalagay nila ako sa tamang side.

“And I'm very open kahit saan nila ako ilagay.”

Sabi pa ni Louise, “I actually came from ABS-CBN- nung bata ako.

“Hanggang 12 years old, nandun ako, e.

“And then, nag-stop ako, kasi gusto kong mag-aral, e.

“Marami rin akong nagawa sa kanila, like Maalaala Mo Kaya at Ang TV Batch 2, na kasama ko sina Shaina [Magdayao], Denise Laurel.

“So, hindi na rin sa akin bago ang ABS-CBN.”

Nasa bakuran na ng ABS-CBN ang ex-boyfriend ni Louise na si Enzo Pineda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN