Alma Concepcion cries foul over fabricated FB post of fan

IMAGE Courtesy: Alma Concepcion on Facebook

Inalmahan ng aktres na si Alma Concepcion ang gawa-gawang kuwento sa Facebook ng isang fan na nagpalitrato lang sa kanya bago magsimula ang Binibining Pilipinas 2017 grand coronation, sa Smart Araneta Coliseum, noong Linggo ng gabi, April 30. 


Pinalagan ng aktres at dating beauty queen na si Alma Concepcion ang imbentong Facebook post ng isang fan na nagpalitrato sa kanya sa Smart Araneta Coliseum, kung saan ginanap ang Binibining Pilipinas 2017, noong Linggo ng gabi, April 30.

Sa post ng Facebook user na si Jeffrey Arciaga Moje, sinabi nitong pagkatapos ng grand coronation ng Binibining Pilipinas ay niyaya raw siya ni Alma na mag-kape.

Pero dugtong nito: "Akala ko yayain ako mag sher kmi at jaming kami sa ishi."

Ang "ishi" ay salitang kalye para sa shabu.

Dagdag pa niya sa huli: "remember nun 1996 nahulihan ng drags s air fort sa guam c alma. Buti hndi kmi nag sabay."


“DO I LOOK LIKE A DRUGGIE?” Kahapon, May 3, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay kinondena ni Alma ang nasabing post ng fan.

Hindi raw siya makapaniwalang nakagawa ng ganung imbentong post ang fan.

Tanong pa ng dating Bb. Pilipinas-International winner sa kanyang followers: "Do i look like a 'druggie' like him?"

Pahayag ni Alma, “Guys what do i do with a person like this? Nag pa picture lang sinabi na close na kami?

"And do i look like a 'druggie' like him?

"My family, friends, skin, weight, lifestyle are enough basis to judge if i live a lifestyle he has.

“I don’t deserve this guys.

"What do i do with this person? It’s unfair he is name-dropping me.

"I have corrected my 1990’s mistake n lived a productive life since then. Got double degrees, raised a family peacefully, lived a healthy lifestyle since.

"If you analyze my lifestyle its far from anything ugly.

“Kayong nakakakilala sa akin ang magpapatunay.”

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pinagdaanan ni Alma noong 1998, nang nahulihan siya sa Agana Airport sa Guam ng .8 grams ng shabu at drug paraphernalia.

Nag-plead siya ng guilty at nakabalik ng Pilipinas pagkatapos ng 27 araw na court proceedings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Alma sa kanyang FB post, “Grabe naman tong loka lokang fan na ito!

"I am not associated with any drug user since 1990s so unfair naman nag pa picture lang ka jamming na agad agad.

"Grabe how one picture can create stories! Tao nga naman.

"To my family n friends, pls teach this guy a lesson!

“Lifestyle check & analysis can determine a drug-user so easily.

"PS. This photo was taken before goin inside Araneta. Dumaan lang ako sa Starbucks, nag coffee na kami agad agad? Feeling naman ill have coffee with him! Hahaha!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN