Sen. Tito Sotto to celebs who slammed him: "Relax lang. No offense meant."

IMAGE Noel Orsal

Senator Tito Sotto on negative comments and bashing he got for his 'na-ano lang' joke: "Hindi ko na pinapatulan mga comments kasi hindi naman nila napanood ang totoo. My comment was a comic description in street language and not intended for the nominee."


Patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media ang “na-ano” joke ni Senador Tito Sotto kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo kaugnay ng pagiging single mother nito.

Ang "na-ano" raw ang tawag sa mga babaeng may mga anak ngunit walang asawa.

Sunud-sunod ang pagpu-post ng kilalang celebrities ng kanilang reaksiyon sa birong iyon ng senador at host ng noontime show na Eat Bulaga.


Stories We Are Tracking

Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Vice, Aiza, Bianca react to Sen. Sotto's
Vice, Aiza, Bianca react to Sen. Sotto's "na-ano lang" joke
Lauren Young, Saab Magalona slam Sen. Tito Sotto
Lauren Young, Saab Magalona slam Sen. Tito Sotto
Single moms Jennylyn, LJ, Geneva stand against Sen. Sotto
Single moms Jennylyn, LJ, Geneva stand against Sen. Sotto

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Sotto, pero sa simula ay tumanggi itong magsalita.

Magkakasunod daw ang mga meeting niya, at wala na raw siyang balak patulan pa ang mga ibinabatong batikos sa kanya ng mga kasamahan sa showbiz.

Bahagi ng text nito sa PEP: “Hindi ko na pinapatulan mga comments kasi hindi naman nila napanood ang totoo.

“My comment was a comic description in street language and not intended for the nominee.”

Hiningan namin ng karagdagang statement si Sotto kung ano ang reaksiyon at naramdaman niya sa mga sinasabi ng mga taga-showbiz na bumabatikos sa kanya.

Kaagad naman siyang nagpadala ng sagot, sa pamamagitan ng text messaging, at pumayag siyang ilathala ito.

Pahayag ni Senator Sotto, “They should check the journal of what went on before dipping into the issue.

“In the CA [Commission on Appointments], we test honesty and credibility in some of our questions. All questions are fair in the hearings. And it also validates our own CA reports.

“Ako pa eh sa mundo ng showbiz ay mas maraming sinasaluduhan akong single mothers.

“In fact two of my daughters are single moms.

“Relax lang. No offense meant.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN