Paulo Avelino loveless despite being the hottest Binibining Pilipinas 2017 meme

IMAGE Allan Sancon

Paulo Avelino has just added another acting trophy to his growing collection, but instead of celebrating, he is agitating. "Kabado lagi dahil panibagong pressure, panibagong challenge. Kailangang paghusayan pa at galingan pa sa susunod na mga pelikula," he says.


Ikinatuwa ni Paulo Avelino ang naging reaksiyon ng netizens sa kanyang pagkakaupo bilang isa sa mga hurado sa Binibining Pilipinas 2017 grand coronation noong Linggo ng gabi, April 30.

“Nakakatawa, nakakatuwa, napaka-witty ika nga ng mga Filipino!” bulalas ng Kapamilya actor.

Nag-trending si Paulo at naging hottest meme sa social media dahil sa presensiya niya at kakisigan ng gabing iyon.

Read: Paulo Avelino is the hottest meme from Binibining Pilipinas 2017

Maganda rin daw ang kanyang naranasan bilang judge sa beauty pageant.

“I enjoyed the experience, I enjoyed judging.

“Medyo mahirap lang because of the deliberation.

“Kailangang siguraduhin ang bawat desisyon na pinagdesisyunan.”

Kaya tila hindi naman kapani-kapaniwala na wala siyang girlfriend ngayon.

Sabi ni Paulo, “Wala nga akong love life sa trabaho ko ngayon, wala rin akong oras.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Paulo sa 19th Gawad Pasado Award, na ginanap sa Dela Salle University-Manila, nitong Miyerkules, May 3.

FOR AKI. Isa si Paulo na bida sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na The Promise, kung saan kasama niya sina Ritz Azul at Ejay Falcon.

Hindi pa nga lang daw siya sigurado kung kailan ito eere.
  
Aniya, “Pagdedesisyunan pa ng management, may paunti-unting revisions.

“Excited na ako kasi mag-iisang taon na akong di lumalabas sa telebisyon, may paunti-kaunting guestings."

Labis naman ang kanyang pasasalamat na sa pangalawang pagkakataon ay pinaralangan siyang muli ng Gawad Pasado Awards.

Sa katatapos na awarding ceremonies nito, tinanggap ni Paulo ang tropeyo para sa Pinakapasadong Katuwang Na Aktor para sa kanyang pagganap sa pelikulang The Unmarried Wife.
      
Pahayag niya, “Very grateful ako na napapansin nila ang munting talento na ibinibigay ko sa cinema.
   
“Actually, kabado lagi dahil panibagong pressure, panibagong challenge.

“Kailangang paghusayan pa at galingan pa sa susunod na mga pelikula.”
 
Isa sa pinag-alayan ng aktor ng nakamit niyang karangalan ay ang anak nito kay LJ Reyes na si Aki.
  
“Yes, of course, everything I do is for Aki,” sabi ni Paulo.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN