DSWD Secretary Judy Taguiwalo accepts Senator Tito Sotto's apology

IMAGE Noel Orsal / Usec. Dr. Lorraine Badoy on Facebook

Kahit pinatawad na ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo si Senator Tito Sotto dahil sa "na-ano lang" joke nito, hindi raw ito nangangahulugang hahahayaan na niya ang anumang klase ng diskriminasyon sa mga kababaihan. 


Pinatawad na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo si Senator Tito Sotto sa “na-ano lang” joke nito.

Pahayag ni Taguiwalo sa panayam ng ilang media sa airport, kung saan sinalubong niya ang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia kahapon, May 4, “I said my piece yesterday. I explained that, you know… where my position is.

"And malinaw naman iyon, and the senator apologized publicly.

“So, I think, for me, that's enough."

Sa isinagawang hearing ng Commission of Appointments sa Senado noong Miyerkules, Mayo 3, nagbiro si Sotto na ang salitang kalye raw para sa mga babaeng single parent, kagaya ni Taguiwalo, ay "na-ano lang."

Ngunit hindi naman nagpakita ng pagkainis si Taguiwalo sa naging tugon niya sa biro ng senador.

Aniya, “Okay, Senator Sotto, I teach women's studies, so we respect all kinds families, and that includes solo parents, thank you.”


Stories We Are Tracking

Sen. Tito Sotto apologizes for
Sen. Tito Sotto apologizes for "na-ano lang" remark
Sen. Tito Sotto draws flak over his
Sen. Tito Sotto draws flak over his "na-ano lang" remark
Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Senator Tito Sotto blames trolls for latest issue about him
Senator Tito Sotto blames trolls for latest issue about him

DOESN'T TOLERATE MISOGYNY. Sa kanyang Twitter account, ipinaliwanag ni Secretary Taguiwalo na kahit pinatawad na niya si Senator Sotto, hindi ito nangangahulugang pinapayagan na niya ang ganitong diskriminasyon laban sa kababaihan.

Gayunpaman, nagpasalamat pa rin si Taguiwalo sa mambabatas sa pagsuporta nito sa confirmation hearing niya sa susunod na linggo.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN