Vice Ganda keeps his mouth shut on Sen. Tito Sotto "na-ano lang" joke

IMAGE Glenn Regondola

Vice Ganda on Senator Tito Sotto's "na-ano lang" joke about single parents: "Siyempre, lahat naman tayo ay may opinyon. Pero I did not post any direct comment on that issue. I did not post anything direct remark kay Senator Tito Sotto. Wala akong direktang ano sa kanya."


Tumanggi nang magbigay ng sariling opinyon si Vice Ganda tungkol sa biro ni Senator Tito Sotto kay Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo tungkol sa status nito bilang isang solo parent.

Kumbaga raw sa street language, ang babaeng may anak ngunit dalaga o kaya’y hiwalay sa asawa ay "na-ano lang."

Dahil dito ay binatikos nang husto ang senador.

Ngunit agad na humingi ng apology si Sotto kay Taguiwalo, na tinanggap naman nito.


Stories We Are Tracking

Sen. Tito Sotto draws flak over his
Sen. Tito Sotto draws flak over his "na-ano lang" remark
Sen. Tito Sotto apologizes for
Sen. Tito Sotto apologizes for "na-ano lang" remark
Tito Sotto to fellow celebs who slammed him:
Tito Sotto to fellow celebs who slammed him: "Relax lang."
Sec. Judy Taguiwalo accepts Sen. Tito Sotto's apology
Sec. Judy Taguiwalo accepts Sen. Tito Sotto's apology

Isa man si Vice sa sumakay sa birong ito, sa pamamagitan ng pagpu-post sa Twitter, wala siyang direktang opinyon na inihayag sa social media.

Paliwanag niya tungkol dito, “Actually, nag-apologize naman siya.

"May sarili naman akong opinyon, pero dahil nag-apologize naman siya, at saka yung taong direktang naapektuhan ay tinanggap naman yung apology, kaya siguro we should stop there.

"Kasi mas okey naman na silang dalawa, ba't tayo hindi maging okey?

"Kaya, I'd rather not comment anymore."

Dagdag pa ni Vice, "Siyempre, lahat naman tayo ay may opinyon.

"Pero I did not post any direct comment on that issue.

"I did not post anything direct remark kay Senator Tito Sotto.

"Wala akong direktang ano sa kanya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa kanyang "Chikahan Night With Vice Ganda," na ginanap sa Dencio's, Tomas Morato, Quezon City, Biyernes ng gabi, May 5.

SOLO PARENT. Pagkatapos nito ay binanggit ni Vice na ang kanyang ina ay solo parent din.

Saad niya, “Kasi, to begin with, solo parent din ang nanay ko.

"Kasi nga, napatay ang tatay ko when I was 12 years old, so dinala kami lahat ng nanay ko.

"Kaya ayun, that ends well."

Pero aminado si Vice na may epekto sa kanya ang iyon ni Senator Sotto.

"Yung narinig ko, may epekto yun sa akin.

"Pero ayoko na ngang magkomento. Sarilinin ko na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala ngang akong direct post sa kahit sinong tao."

Read: Vice Ganda to citizens who voted for stupid politicians: Blame yourself


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN