Xian Lim doesn't mind temporary breakup of loveteam with Kim Chiu

IMAGE Noel Orsal

Xian Lim doesn't mind the temporary breakup of his loveteam with Kim Chiu: "Para sa akin, it's still the same. Yung iba-ibang projects namin, it's still the same. Para sa akin, I'm just really grateful na nabibigyan po ako ng projects."


Magkahiwalay ngayon ang magka-loveteam na sina Xian Lim at Kim Chiu.

Kung may sariling teleserye (Ikaw Lang ang Iibigin) si Kim na muling kapareha ang orihinal niyang ka-loveteam na si Gerald Anderson, si Xian naman ay may bagong pelikula sa Star Cinema, ang Dear Other Self, na showing na sa May 17 at kunsaan kasama niya rin sina Jodi Sta. Maria at Joseph Marco.

Ano nga ba ang pakiramdam na tila pinaghiwalay muna sila ni Kim ngayon?

Sabi niya, "Para sa akin, it's still the same.

"Yung iba-ibang projects namin, it's still the same.

“Para sa akin, I'm just really grateful na nabibigyan po ako ng projects.

“Especially we started last year with Everything About Her and now, with this project, Dear Other Self.

“It's just so amazing to be able to work with other people.

"Marami rin po akong natutunan."

Dagdag pa ni Xian, "Especially kay Jodi, ang daming pabaon ni Jodi.

“Ang daming napabaon sa akin ni Jodi, and I would say na nabibigyan niya ng klaro yung pag-iisip ko."

LIFE LESSONS FROM JODI. Ano ang paborito niyang pabaon sa kanya ng leading lady niya?

Kuwento niya, "Isang mabilis lang, meron siyang isang pabaon sa akin sa Bangkok.

“Doon po kasi kami unang nagkita and she described to me three types of people.

"It's very inspirational, hindi naman po siya negative.

“There's a leave people, branch people and roots people.

“Sabi ni Jodi, you have to distinguish those people in your life para hindi ka lang malito.

"So I think, that opened up so much and nai-share ko po siya sa maraming tao. I'm just so proud with my moment with Jodi."

ABS SHOWDOWN. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa ginanap na grand presscon ng Dear Other Self kahapon, May 5, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-usapan din ang isang eksena sa trailer kunsaan pareho silang nagpakita ng abs ni Joseph.

Sabi ni Xian, panoorin na lang daw ito kung bakit may ganung eksena.

"Sayang naman kasi kung sasabihin namin.

“Pero promise, makikita niyo po yun sa pelikula.

“Pero yun nga, yung sabi ni Jodi na tagisan, it's more on contrast between the two realities," lahad niya.

Ipinaalala naman ni Jodi na wholesome raw ang pelikula nila.

Lumaban naman siya ng pa-abs o pa-pandesal kay Joseph?

"Sana, sana," natawang sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN