Sandara Park dismisses rumors linking her to Robi Domingo-Gretchen Ho breakup

IMAGE Noel Orsal

Former 2NE1 member Sandara Park dismisses rumors linking her to Robi Domingo-Gretchen Ho breakup: "We're just good friends ni Robi, and that's it. So, parang hindi maganda yung marinig na issue kasi di ba baka masira pa yung friendship namin."

 


Muling itinanggi ni Sandara Park na siya ang itinutukoy na dahilan ng hiwalayang Robi Domingo at Gretchen Ho.

Binigyang linaw ng former 2NE1 member ang isyu sa press conference ng kanyang pelikulang One Step, kanina, May 6, sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas Center.

Sa umpisa pa lamang ng presscon ay ipinagbawal na ang pagtatanong ng personal questions kay Dara, ngunit hindi na ito naiwasan nang may magtanong tungkol dito sa kalagitnaan ng panayam.

Diin ng YG Entertainment artist, "Siyempre hindi totoo yun, kasi wala namang ginawa or walang namang...

"We're just good friends ni Robi, and that's it.

"So, parang hindi maganda yung marinig na issue kasi di ba baka masira pa yung friendship namin."

Sa simula ng taon unang lumabas ang isyu ng pagkaka-link ni Dara kay Robi bago pa man makumpirma ang hiwalan nila ni Gretchen.

Madalas kasing nagkakasama ang dalawa mula noong pansamantalang bumalik si Dara sa Pilipinas para sa Pinoy Boyband Superstar.

Una nang nagbigay ng pahayag tungkol dito si Robi, at mariin din niyang itinangging may namamagitan sa kanila ni Dara.

Aniya, "I don't know, we are good friends.

"And kung anuman ang ano niyo, it's not true."

Read: Robi Domingo dismisses rumor linking him to Sandara Park

NOT READY. Sa ngayon, wala raw munang balak si Dara na pumasok sa panibagong relasyon. Ito'y dahil na rin sa kanyang busy schedule.

Bukod sa pag-promote ng kanyang pelikula sa Pilipinas, kasalukuyan ding nagsisimula ang taping ng panibagong movie ni Dara na Cheese In the Trap.

Kasunod nito ay ang plano ni Dara na bumalik sa music industry sa Korea.

Paliwanag ni Dara, "Ngayon, parang kasi sa sobrang pagod ko, totoong lazy ako [to go into a relationship] ngayon.

"Pero siyempre, kung merong mga prince charming na talagang, let's say, 'Whoa! Siya talaga yung crush ko.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre puwedeng magkaroon ng boyfriend."

Wala rin daw siyang manliligaw sa ngayon.

Aniya, "Wala naman, pero wala akong friends na guys."

Dagdag din ni Dara, "Wala pang Filipino suitors."

Kahit na maraming kaibigang lalaki si Dara, sinabi nitong hindi niya naiisip ang maging karelasyon ang isa man sa mga ito.

Paliwanag niya, "Yung mga guy friends ko, dahil sobrang close kam,i we cannot imagine na magiging boyfriend-girlfriend."

Ano nga ba ang gusto ni Dara sa isang lalaki?

Sagot nito, "Gusto ko yung meron kaming same interests, like sa music, cats or fashion, yung mga ganyan.

"Para meron kaming mapapag-usapan.

Dagdag pa ng singer/actress, "Sa looks, gusto ko yung slim na cute. Ayoko ng macho kasi, di ba, I'm really petite?

"So, kung may macho akong kasama, feeling ko hindi bagay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN