Sandiganbayan junks Bong Revilla's appeal to quash plunder rap

IMAGE Katropa DWDD on Facebook

Pinal na ang desisyon ng Sandiganbayan na ibasura ang apela ni dating Senador Bong Revilla Jr. upang iurong ng korte ang kasong plunder laban sa kanya. 


Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ni dating Senador Bong Revilla Jr. na i-dismiss ang kanyang kasong plunder kaugnay ng pagkakasangkot niya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam o mas kilala sa tawag na pork barrel scam.

Sa walong-pahinang desisyon na inilabas ng anti-graft court, hindi nila kinatigan ang mosyon ni Revilla na ibasura ang kasong kinahaharap.

Base ito sa ulat ng GMA News Online ngayong Martes, May 9.

Ayon naman sa kampo ni Revilla, hindi malinaw ang mga naisaad sa reklamo laban sa kanya at kung paano siya nadawit sa pork barrel scam.

Hindi rin daw nakasaad sa “case of information” ang katotohanang diretsong magdadawit sa dating senador sa plunder.

Nakasaad sa apela ni Revilla, base sa Supreme Court ruling on Estrada v. Sandiganbayan, na ang Plunder Law "does not give a fair warning that the common world will understand the acts a person should commit to make him liable for plunder.”

Pero ayon sa Sandiganbayan, walang merito ang inihaing petisyon ng dating mambabatas.

Ayon sa inilabas na desiyon noong February 23, 2017, kung saan ibinasura ng hukuman ang naunang apela ni Bong, “In determining the constitutionality of statutes, it is not uncommon for the Supreme Court to refer to deliberations of Congress in determining the intention of the lawmakers, particularly, if the latter intended a technical or special legal meaning to certain words used in the law.

"Moreover, stress must be made that the review of the legislative deliberations in Estrada was limited to ascertaining how Congress intended the words 'combination' and 'series' to be understood, which is not a subject of contention in the present case.”

Nahaharap si Bong sa kasong plunder at graft sa pagbulsa diumano ng P224.5 million bilang kickback mula sa kanyang PDAF, na idinaan sa bogus non-government organizations ni Janet Napoles.

Kasama ring kinasuhan at naipakulong ng Ombudsman noong 2013 ang mga kapwa-senador na sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrille.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Haharap muli sa Ombudsman si Revilla sa June 1.


Stories We Are Tracking

Bong Revilla's plunder trial begins today
Bong Revilla's plunder trial begins today
Bong Revilla seeks furlough to visit ailing dad
Bong Revilla seeks furlough to visit ailing dad
Bong Revilla reacts to controversies about Sen. De Lima
Bong Revilla reacts to controversies about Sen. De Lima


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN