Mocha Uson on being bashed over her new appointment: "Sanay na sanay na tayo diyan."

IMAGE Courtesy: Mocha Uson Blog on Facebook

Newly-appointed PCOO Assistant Secretary for Social Media Mocha Uson to bashers: "Kalayaan niyo 'yan, ituloy niyo 'yan, okay lang po sa akin. Basta ako, gagawin ko lang po yung trabaho ko. Sanay na sanay na tayo diyan."


Ikinatuwa ng sexy singer-turned-political blogger na si Mocha Uson ang pagkaka-appoint sa kanya bilang Assistant Secretary for Social Media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Inilabas ng Malacañang ang appointment paper ni Mocha nitong Martes, May 8, at kaagad din siyang nanumpa sa harap ni Executive Secretary Salvador Medialdea.


Sa panayam ng Aksyon ng TV5 kagabi, May 8, sinabi ni Asec. Uson na ikinagagalak niya ang tiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“I’m humbled sa tiwala ng ating Pangulo at gagawin po natin lahat.

"Kung anong trabaho natin dati, mas dodoblehin pa natin ngayon."

Si Mocha, na may lagpas limang milyong followers sa kanyang Mocha Uson Blog account, ay pamamahalaan ang social media accounts ng PCOO.

Ibang-iba raw ang kanyang gagawin bilang assistant secretary kumpara sa mga inilalabas niya sa kanyang personal account.

Paliwanag niya, “Dito, naka-focus tayo dun sa mga nais matulungan, yung may maraming hinaing.

"At sa social media, dun na nga nagiging sumbungan ng mga kababayan natin, lalo na yung mga OFWs na hindi nabigyan ng pansin noong nakaraang administrayson, ngayon lang nagkakaroon ng boses."

Dagdag ni Mocha, “Ang mangyayari, mas dodoblehin ang pagpuna sa mga corrupt na mga opisyal ng gobyerno... marami pa rin diyan, e.

“At ngayon na ang mga nagiging viral ay yung mga pasaway na mga tao sa embahada natin sa iba’t ibang sulok ng mundo.

"So, mas matindi po siguro ngayon ang pagpuna sa mga public servant na hindi naman talaga nagsisilbi sa taong-bayan."

Sa bagong appointment ni Mocha, mapapawalang-bisa na ang dati nitong appointment bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

BASHERS. Nang inilabas ng Palasyo ang bagong appointment paper ni Mocha, kaagad nag-trend sa Twitter ang kanyang pangalan.


Kung anu-anong panglalait mula sa netizens ang natanggap ng bagong-talagang assistant secretary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi na raw ito pinapansin ni Mocha.

Mensahe niya, “Kalayaan niyo ‘yan, ituloy niyo ‘yan, okay lang po sa akin.

“Basta ako, gagawin ko lang po yung trabaho ko.

“Sanay na sanay na tayo diyan.

"Pero siyempre, kailangan din natin ang suporta ng lahat dahil kung hindi naman po tayo magtutulungan, mahihirapan po tayong masolusyunan ang problema ng bansa natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN