Raquel Pempengco writes open letter to daughter Charice on her 25th birthday

IMAGE Raquel Pempengco Facebook

Inamin ni Raquel Pempengco na wala silang maayos na komunikasyon ngayon ng anak na si Charice. Kaya idinaan na lamang niya sa Facebook ang pagbati sa anak sa ika-24 kaarawan nito ngayong araw, May 10.


Isang open letter ang ibinahagi ni Raquel Pempengco sa Facebook para sa anak na si Charice, na nagdiriwang ng kanyang 25th birthday ngayong Miyerkules, May 10.

Sa kanyang mensahe, inamin ni Raquel na wala silang komunikasyon ngayon ng anak.

Pahayag ni Raquel sa kanyang FB post, "Happy Birthday Charice!

"Malayo ka man sa akin. Wala man tayong kominikasyon, hindi pa rin mawawala na lagi kang nasa isip at puso ko kasi 'ANAK' Kita at galing ka sa aking sinapupunan."

Umaasa rin siyang malagpasan ng anak ang mga pagsubok na kinakaharap nito ngayon.

"Sana masaya ka at makaya mo ang mga pagsubok na darating pa sau.

"Hindi ako magsasawa na mahalin kita kasi ako ang iyong 'INA.' Dito lang ako lagi...

"Maligayang pagsilang muli sau CHARICE, Mommy."

Dalawang linggo na ang nakalilipas, pumutok ang balitang naghiwalay na si Charice at ang partner nitong si Alyssa Quijano. 

Pansamantala rin daw munang iiwan ng Pinay international singer ang showbiz.

Read: Charice Pempengco and partner Alyssa Quijano break up; Charice to quit showbiz?

Sa isang Facebook post matapos nito, nanawagan si Raquel na sana ay huwag kaagad husgahan ang kanyang anak na nagbigay naman daw ng karangalan sa bansa.

Read: PEP EXCLUSIVE. Charice Pempengco's mom gives update about singer after breakup with Alyssa Quijano


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN