Sam Milby on his 12 years in showbiz: "Ang bilis ng panahon. Ako na yung kuya't tito."

IMAGE Noel Orsal

Sam Milby to new generation of stars: "Don't put your self-value as a person sa mga comments and where you are in your career. You learn to love yourself and not on what people would say or what people think in their comments."


Ipagdiriwang ni Sam Milby ang kanyang 12th anniversary sa showbiz sa November.

Nagsimula ang career ng Filipino-American actor nang pumasok siya sa pinakaunang edisyon ng Pinoy Big Brother noong 2005.

Batid ni Sam na mahirap i-sustain ang showbiz career kaya malaki ang pasasalamat niya na hanggang ngayon ay may career pa rin siya.

“Ang hirap talagang magtagal sa showbiz, lalo na ngayon ang daming bago.

"Lalo na pag nag-a-ASAP ako, hindi ko kilala ang mga bata," sabi ni Sam sa presscon ng kanyang fourth solo album, Sam: 12, na ginanap ngayong Miyerkules, May 10, sa ELJCC Building, Quezon City.

Natawa pa ang tinaguriang Rockoustic Heartthrob na tinatawag na siyang “kuya” at “tito” ngayon.

“When I started kasi, ako yung, ‘Hello, Tito,’ ‘Hello, Kuya, Ate,’ tapos ngayon 'Kuya Sam, Tito Sam.'

“Ang bilis ng panahon. Ako [na] yung kuya’t tito.”

REALIZATIONS. Sa higit isang dekada niya sa showbiz, natuto raw ang singer-actor na i-enjoy ang kanyang buhay at career.

Kaya payo niya sa bagong henerasyon ng mga artista, “Enjoy the journey.

"I feel that the younger generation ngayon, they really get so tied into sa showbiz, [like] sense of worth sa social media.

“And ako, I try to veer way, kasi sometimes you get so affected sa mga comments, sa mga bashers.

“Don’t put your self-value as a person sa mga comments and where you are in your career.

“You learn to love yourself and not on what people would say or what people think in their comments.

“Also to give back to the people... the reason why you’re in showbiz.”

Malaki raw ang pasasalamat ni Sam na patuloy ang pagmamahal sa kanya ng fans sa loob ng maraming taon.

“Nagpapasalamat ako with my fans.

"They’re still here till now and when I see them they’re still, like, ‘Alam mo, Sam, hindi ka nagbago.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And that makes me feel really good na they feel I’m the same person when I started."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN