Mark Herras reveals reason why he can't marry Winwyn Marquez yet

IMAGE Winwyn Marquez Instagram

Mark Herras on girlfriend Winwyn Marquez joining a beauty pageant: "If she really wants to join, sumali siya dahil gusto niya, hindi dahil nagpapa-pressure siya dahil, for example, may mga tao na, 'Uy, sali ka naman ng Binibini, sali ka ng ganito.' Kumbaga, huwag siyang magpapaapekto sa mga tao.


Ang planong pagsali ni Winwyn Marquez sa Miss World Philippines o Binibining Pilipinas ang dahilan kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ng boyfriend niyang si Mark Herras.

Si Mark mismo ang nagsabi nito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng D’Originals, sa GMA Annex Building, noong Sabado, May 6.

Pahayag ng Kapuso actor, “Malay mo, baka sumali pa si Wyn ng Miss World or puwede pa siyang mag-Binibini next year.

“Puwede pa siyang sumali ng Miss World now.”

Twenty-six years old na ngayon si Winwyn.

Bakit hindi sumali si Winwyn nitong katatapos lang na Binibining Pilipinas?

Paliwanag ni Mark, “E, nagsabay kasi ng Mulawin.

“So, ang puwede-puwede niyang salihan is Miss World, kasi parang mga October pa yun, e.

“May possibility na sumali siya.”

Ang Mulawin vs Ravena ay ang upcoming fantaserye ng GMA Network, kung saan kasama sa cast ang girlfriend ni Mark.

Sumali na si Winwyn sa Binibining Pilipinas noong 2015, kung saan nakapasok ito bilang isa sa 15 semifinalists.

Hindi ba natatakot si Mark na kapag naging beauty queen ang girlfriend niya ay maraming manligaw ritong mayayaman at maiimpluwensiyang lalaki?

Sagot ni Mark, “Hindi naman ganung klaseng babae si Wyn.

“I mean, maayos na tao yun.

"And kung ano yung gagawin niya for her career siyempre, sinasabi ko naman sa kanya, sinusuportahan ko siya all the way, kung ano ang gusto niyang gawin.”

Nais daw talaga ni Winwyn na muling sumali sa beauty pageant.

“She really wants… pangarap niya yun, e. Isa yun sa mga dream niya talaga,” sabi ng StarStruck winner.

Na magkaroon ng title?

“Siyempre for a person na ganun ang pangarap, siyempre mas maganda yung may title, di ba?

“Pero lahat naman tayo, alam naman natin na napatunayan ni Wyn last time sa Binibini na kaya niya.”

At suportado ni Mark ang girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sabi ko nga sa kanya, if she really wants to join, sumali siya dahil gusto niya, hindi dahil nagpapa-pressure siya dahil, for example, may mga tao na, ‘Uy, sali ka naman ng Binibini, sali ka ng ganito.’

“Kumbaga, huwag siyang magpapaapekto sa mga tao. 

“Sabi ko sa kanya, ‘Kahit sino pa ang magbigay sa iyo ng opinyon, siyempre respetuhin mo, opinyon nila yun, e, pero in the end, ikaw pa rin yung magde-decide.’

“Kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin.”

Si Winwyn ay anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN