Oyo Sotto trades insults with basher over nasty comments

IMAGE Noel Orsal

Oyo Sotto hits back at basher who accused him of being "jobless" and "makapal."


Hinamon ng suntukan ni Oyo Sotto ang isang basher, na inakusahan siyang "walang trabaho" at "makapal ang mukha."

Nagsimula ito nang mag-post sa Instagram ang misis ni Oyo na si Kristine Hermosa ng larawan ng kanilang tatlong anak habang binabantayan ng kanilang ama.

Sa comments section, isang netizen na may user name na @aski_24 ang nagkomento ng hindi magagandang salita tungkol kay Oyo.

Burado na ang mga komento ng basher, subalit base sa posts ng ibang netizens na nagtanggol kay Oyo, sinabihan daw ang Hay Bahay! actor ng "walang trabaho" at "makapal ang mukha."




Sunud-sunod din ang mga komento ni Oyo, at batay sa kanyang posts ay nakipagsagutan siya sa netizen.

Halatang ikinagalit ng bunsong anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie ang mga komento ng basher. Hinamon pa niya itong makipagsuntukan.







Marami namang netizens ang nagtanggol kay Oyo, at may ilang ding sinabihan siyang huwag nang patulan ang basher.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN