G Tongi slams Mocha Uson's appointment: "No credentials or qualifications."

IMAGE @gtongi on Instagram / Yes! Magazine

Muli na namang binanatan ni G Tongi si Mocha Uson dahil sa bagong government position nito. Ngayong nasa Malacañang na si Mocha, makakasaa raw ang sambayanan na mabilis na kakalat ang "propaganda & online hate."


Umalma ang US-based Pinay actress-turned-talk show host na si G Tongi sa pagkakatalaga kay Mocha Uson bilang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sa kanyang Twitter post noong Martes, May 9, sinabi ni G na walang "credentials or qualifications" si Mocha sa posisyong ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa niya, magiging magkakuntsaba na sina Mocha at PCOO Secretary Martin Andanar sa pagpapalaganap ng "#fakenews" sa kasalukuyang administrasyon.

Kasunod nito, sinabi ni G na makakaasa ang sambayanan ng paglipana ng propaganda at kaguluhan sa social media dahil sa pagkatalaga kay Mocha.


Bago ito, binatikos din ni G ang pagkaka-appoint ni Mocha bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Enero.

Sa isang meet and greet sa Amerika, kung saan panauhing-pandangal si Andanar, diretsahang tinanong ni G ang kalihim kung ano ang kuwalipikasyon ni Mocha para sa puwestong ibinigay sa kanya ng Pangulo.

Tinawag pa niyang “sex blogger” ang dating lider ng all-female group na Mocha Girls.

Dahil sa bagong posisyon na ibinigay sa kanya, bibitawan na ni Mocha ang tungkulin bilang MTRCB board member.

Si G ay kasalukuyang host ng programang Kababayan Today ng LA18.


Stories We Are Tracking

G Tongi calls out Mocha Uson for bullying VP Robredo
G Tongi calls out Mocha Uson for bullying VP Robredo
G Tongi questions appointment of
G Tongi questions appointment of "sex blogger" Mocha Uson
Vivian Velez blasts G Tongi on Facebook
Vivian Velez blasts G Tongi on Facebook


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN